– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang patungkol sa Pananaliksik. Tara na’t ating palawakin ang ating kaisipan ukol dito. Simulan na natin!
Ano nga ba ang Pananaliksik?
– Ang pananaliksik o imbestigasyon ay ang “sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa.” Malikhain at sistematikong gawain ang pananaliksik, na ginagawa upang lumawak ang kaalaman.” Saklaw nito ang pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu.