– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang Kahulugan ng Renaissance. Tara na’t sabay sabaynating alamin at palawakin ang ating kaalaman ukol sa paksang ito.
Ano nga ba ang Renaissance?
– Ang kahulugan ng renaissance ay muling pagkabuhay. Sa kasaysayan ng Europa, ang renaissance ay ang panahon kung saan ang mga kultura at kaalamang klasikal na nagmula pa sa bansang Gresya at Roma ay muling sumibol o nagbigay halaga sa mga tao. Ito ang naging panahon ng muling pagkakaroon ng sigla sa mga espiritwal na pangangailangan ng mga tao sa pagpasok ng panahon ng Medieval. Ang muling pagsibol na ito ay ang resulta ng pagkakaroon ng kaalaman sa tulong mga teknolohiya gyundin ang mga pilosopiyang namayagpag sa buhay ng mga mamamayan.