-Sa paksang ito, ating malalaman ang kabaliktaran ng kasingkahulugan at yun ay ang kasalungat. Dito malalaman natin kung ano ba ito at ilan sa mga halimbawa upang mas maunawaan natin ang konteksto ng paksang ito. Tara na’t ating simulan.
Ano nga ba ang Kasalungat?
-Ito ay tumutukoy sa mga salitang magkaiba o magkabaliktad ang kahulugan. Kadalasan ang mga salitang magkasalungat ay pang-uri o mga salitang naglalarawan ng isang tao, hayop, bagay, pook o lugar.
Halimbawa:
Masaya = Malungkot
Malakas = Mahina
Mabilis = Mabagal
Labas = Loob
Mataas = Mababa
Matibay = Marupok
Dito = Doon
Matangos = Pango
Abante = Atras
Pumunta = Umalis