Kasaysayan ng Wikang Pambansa

– Sa paksang ito, ating matutunghayan ang kasaysayan ng ating Wikang Pambansa. Tara na’t mamangha sa kasaysayan ng ating wika!

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

– Ang ating Wikang Pambansa ay nagsimulang sumibol noong taong 1935, nang may saligang batas na nagtadhana sa sariling wikang pambansa: “Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”

Sa pasimuno ni pangulong Manuel L. Quezon ay itinaguyod ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Layunin ng SWP ang mapag-aralan ang mga wikang katutubo upang makagawa ng wikang panlahat na binabatay sa wikang umiiral sa bansa. Hinirang ni Manuel L. Quezon ang mga kagawad na mamumuno sa SWP alinsunod sa batas komonwelt na pinatupad ng Pilipinas at ng Estados Unidos—si Jaime C. Veyra sa kabisayaang Samar, si Cecilio Lopez sa Tagalog, si Santiago A. Fonacier sa Ilokano, Filemon Sotto sa kabisayaang Cebu, Felix Salas-Rodriguez sa kabisayaang Hiligaynon, si Camisiro F. Perfecto sa Bikolano at si Hadji Butu sa Muslim. 

Noong ika-9 ng Nobyembre 1937 ay napag-alaman na ang wikang Tagalog ang siyang pinakamainam na lengguwaheng panlahat alinsunod sa mga bilin ng batas komonwelt. Buhat noon ay pinili ang Tagalog upang pagtibayin ito bilang isang wikang pambansa.

Nagsimula na ang pagpalilimbag ng mga diksyunaryo at aklat sa gramatika ng wikang pambansa at noong ika-19 ng Hunyo, 1940 ay itinuro na ito sa mga pribadong paaralan sa buong bansa, hanggang sa sumunod na ang mga pampublikong paaralan.

Nilagdaan na ang wikang pambansa bilang isang opisyal na wika noong ika-4 ng Hulyo, 1940, at taon taong itong ipagdidiriwang simula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril. Inilipat ito sa ika-13 hanggang 19 ng Agosto. Hindi kalauna’y dinagdag ang selebrasyon sa pagpupugay sa kasaysayan ng wika, kung kaya’t ang buwan ng Agosto’y buwan ng wika at buwan ng kasaysayan.