– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga Katangian ni Simoun sa nobelang isinulat ni Jose Rizal na El Filibusterismo. Simulan na natin!
Ano nga ba ang mga katangian ni Simoun sa nobelang ito?
– Si Simoun ang pangunahing tauhan sa nobelang ito. Ito ang kanyang mga katangian base sa mga kabanata:
- matalino sa pagbibigay ng kanyang saloobin ukol sa pagpapalalim ng Ilog Pasig. (kabanata 1)
- isang maimpluwensiyang alahero (kabanata 1)
- mapanghamon (kabanata 2)
- tahimik (kabanata 3)
- may matalas na kaisipan (kabanata 7)
- balat – kayo (kabanata 7)
- magaling na negosyante (kabanata 10)
- tuso (kabanata 16 at kabanata 28)
- mapagkumbaba at may takot sa Diyos (kabanata 39)
Itong mga nabanggit na katangian ni Simoun ay masasabing tulad ng sa isang tipikal na taong nasaktan at nagnanais ng o uhaw sa hustisya. Nais niyang makaganti sa mga mapang – aping Prayle ngunit hindi niya ito kayang isakatupan mag – isa kaya’t naghanap siya ng mga taong maaari niyang himukin na siya ay samahan sa pakikibaka.