Ating tatalakayin sa araw na ito ang tungkol sa Lakbay Sanaysay. Ano nga ba ang kahulugan ng Lakbay Sanaysay at mga katangian nito? Tara, sabay sabay tayong matuto.
Ano ang Lakbay-Sanaysay?
Ang Lakbay Sanaysay ay isang sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay. Ito ay tinatawag ding Travel Essay sa Ingles.
Ito ay naglalarawan hindi lamang ng damdamin ng maglalakbay pati na rin ng mga lugar na kanyang napuntahan kasama na dito ang mga tradisyon, kultura at mga tao.
Nangangailangan ang sulating ito ng malinaw na pagkaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan
habang naglalakbay (O’Neil, 2005).
Layunin ng Lakbay Sanaysay
Ang lakbay sanaysay ay may angking layunin. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Maitaguyod ang lugar na pinuntahan o pinaglakbayan.
- Makagawa ng gabay para sa mga tao na magnanais maglakbay din sa lugar.
- Makapagtala ng sariling kasaysayan sa paglalakbay.
- Makapagdokumento ng kultura at heograpiya ng isang lugar sa masining o malikhaing paraan.
Katangian ng Lakbay Sanaysay
Mga Katangian ng Lakbay Sanaysay
- Hinihikayat ang mga manlalakbay upang puntahan ang isang nasabing lugar
- Naglalahad ng mga mahahalagang impormasyon bilang patnubay o guide sa pagpunta sa isang lugar
Basahin ang Halimbawa ng Lakbay Sanaysay.