Mga bansa sa Kanlurang Asya

– Sa paksang ito, ating diskrubehin kung ano ano nga ba ang mga bansang kasama sa Kanlurang Asya at mga kaunting impormasyon ukol sa mga bansang ito. Tara na’t ating simulan.

KANLURANG ASYA

– Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig—ang Africa, Asya, at Europa. Ito ay bumubuo sa sangkatlo (1/3) ng Asya, may sukat na nasa pagitan ng 6.5 at 9.8 milyong milya kwadrado. Ang populasyon ng Kanlurang Asya ay katumbas ng 3.59% ng kabuuang populasyon ng mundo.

Mga bansang bahagi ng Kanlurang Asya:

1. Turkey

Punonglungsod: Ankara

– Kilala rin bilang Republika ng Turkey, ito ay isang bansang transkontinental. Ito ay may poulasyon ng 82 milyon.

2. Iraq

Punonglungsod: Baghdad

– Kilala rin bilang Republika ng Iraq, ito ay napalibutan ng Turkey sa hilaga, Iran sa silangan, Kuwait sa timog-silangan, Saudi Arabia sa timog, Jordan sa timog-kanluran, at Syria sa kanluran. Mayroon itong populasyon ng 37 milyon.

3. Saudi Arabia

Punonglungsod: Riyadh

– Kilala rin bilang ang Kaharian ng Saudi Arabia, ito ay isang bansang disyerto na bumubuo ng karamihan sa Peninsulang Arab. Ito ay may populasyon ng 33 milyon.

4. Yemen

Punonglungsod: Sana’a

– Kilala rin bilang Republika ng Yemen, ito ay nasa timugang dulo ng Peninsulang Arab. Ito ay may populasyon ng 27.5 milyon.

5. Syria

Punonglungsod: Damascus

– Kilala rin bilang Repiblikang Arab ng mga taga-Syria, ito ay napalibutan ng Lebanon sa timog-kanluran, ang Dagat Mediteraneo sa kanluran, Turkey sa hilaga, Iraq sa silangan, Jordan sa timog at Israel sa timog-kanluran. Ito ay may populasyon ng 18 milyon.

6. Jordan

Punonglungsod: Amman

–  Ito ay ang tahanan ng lungsod ng Nabatean, isang sikat na lugar arkeolohiko ng Petra. Ito ay may populasyon ng 10 milyon.

7. Afghanistan

Punonglungsod: Kabul

– Kilala rin sa opisyal na ngalan bilang ang Republika Islam ng Afghanistan, ito ay may populasyon ng 35.53 milyon ngayon.

8. United Arab Emirates

Punonglungsod: Abu Dhabi

– Kilala rin bilang Estado ng United Arab Emirates, ito ay isang bansa na nasa timog-silangang dulo ng Peninsulang Arab. Ito ay may poulasyon ng 9 milyon.

9. Israel

Punonglungsod: Jerusalem

– Ang tinaguriang Banal na Lupain o sa Ingles bilang Holy Land, ito ay may populasyon ng 9 milyon.

10. Lebanon

Punonglungsod: Beirut

– Kilala rin bilang Republika ng mga taga-Lebanon. Napalibutan ito ng Syria sa hilaga at silangan, at Israel sa timog. Ito ay may populasyon ng 6 milyon.

11. Oman

Punonglungsod: Muscat

– Kilala rin bilang Kasultanan ng Oman, ito ay bansang Arab na nasa timog-kanlurang baybayin ng Peninsulang Arabo. Ito ay may populasyon ng 4 milyon.

13. Kuwait

Punonglungsod: Kuwait

– Isang bansang Arab na nasa Golpo ng Persia, Ito ay kilala dahil sa kanyang arkitekturong modern. Ito ay may populasyon ng 4 milyon.

14. Qatar

Punonglungsod: Doha

– Ito ay kilala rin bilang Estado ng Qatar, ito ay bansang Arab at peninsulado na may tuyong disyerto at mahabang linyang baybayin ng Golpo ng Persia. Ito ay may populasyon ng 2 milyon.

17. Bahrain

Punonglungsod: Manama

– Kilala rin bilang ang Kaharian ng Bahrain o Mamlakat al-Baḥrayn, ito ay isang bansang pulo na nasa Golpo ng Persia at may populasyon ng 1.4 milyon.

18. Cyprus

Punonglungsod: Nicosia

– Kilala rin bilang ang Republika ng Cyprus, ito rin ay isang bansang pulo na nasa Silangang Mediteraneo. Ito ang ikatlo sa pinakapopuladong pulo sa Mediteraneo na may populasyon ng 1.1 milyon.

19. Gaza Strip

Punonglungsod: Gaza

– Kilala rin bilang Gaza, ito ang pansariling pamahalaang Palestinong teritoriio na nasa silangang baybayin ng Dagat Mediteraneo. Ito ay may populasyon ng 1.85 milyon.

20. Iran

Punonglungsod: Tehran

– Kilala rin bilang Persia at sa opisyal na ngalan bilang Republika Islam ng Iran, ito ang ikalabing-walong pinakapopuladong bansa sa mundo na may populasyon ng 82 milyon.

21. Lebanon

Punonglungsod: Beirut

– Ito ay kilala rin bilang Republika ng mga taga-Lebanon. Napalibutan ito ng Syria sa hilaga at silangan, at Israel sa timog. Ito ay may populasyon ng 6 milyon.