Mga Paglabag sa Katarungang Panlipunan

– Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng mga gawain na labag sa Katarungang Panlipunan.

MGA PAGLABAG SA KATARUNGANG PANLIPUNAN NG MGA MAMAMAYAN:

  • Hindi pagpapaaral sa mga anak.
  • Pagkitil sa buhay ng isa.
  • Pagkakait ng pagkain sa mga anak.
  • Hindi pagbibigay ng maayos na tirahan para sa pamilya.
  • Hindi pagbibigay ng maayos na pananamit sa mga anak.
  • Hindi pagatwid sa tamang tawiran
  • Hindi malinis sa tinitindang pagkain
  • HIndi sumusunod sa batas trapiko
  • Hindi inaamin ang kasalanan

Ilan lamang ito sa mga paglabag sa katurungang panlipunan bilang isang mamamayang pilipino.

MGA PAGLABAG SA KATARUNGANG PANLIPUNAN NG TAGAPAGPAMAHALA:

1. Hindi wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan na para sana sa taumbayan. May mga opisyal na gumagawa ng korupsyon para sa kanilang kapakanan at walang maayos na serbisyong nakukuha ang mga tao.

2. Pagtanggap ng suhol para sa mas mabilis na proseso. Kung ang iba ay sumusunod sa sistema, ang iba naman ay nagpapadulas lamang sa mga tagapamahala upang mas mapadali ang proseso.

3. Palakasan o padrino system. May ilang mga tagapamahala namang di nga tumatanggap ng suhol ngunit mas malakas sa kanila ang mga kakilala, kaibigan, o kaanak habang ang iba ay patas na sumusunod sa proseso.

Bilang isang tao ay alam natin kung ano ang pagkakaiba ng tama sa mali kaya’t palagi nating pipiliin na gawin kung ano ang tama at kailanma’y huwag lumabag sa kahit anong katarungang panlipunan dahil ang iyong sarili lamang ang iyong pinapahamak.