Ang Unggoy at ang Pagong ay isang halimbawa ng Pabula. Alamin ang kwento nito.
Ang unggoy at ang pagong
Noong unang panahon, mayroong dalawang matalik na magkaibigan. Sila ay sina Unggoy at si Pagong.
Minsang walang gawain ay sumama ang unggoy kay pagong na mamasyal sa paligid. Nakapulot sila ng isang punong saging na nakaharang sa daan. Nag-isip sila kung ano ang gagawin sa halaman.
“Mabuti pa kaya’y hatiin natin ito at itanim natin. Sa akin ang- bandang itaas at sa iyo ang ibaba.” Mungkahi ng unggoy. Pinili niya ang itaas dahil doon lumalabas ang saging. Tatawa-tawa siyang umuwi•
Pumayag ang pagong. Pag-uwi nila sa kani-kanilang bahay agad nilang itinanim ang kanilang parte. Makalipas ang ilang araw, ang ang halaman ng unggoyi ay namatay. Labis siyang nalungkot sapagkat paborito pa naman niya ang prutas na saging.
Sa kabilang dako, tuwang-tuwa naman si pagong dahil namumunga na ang kaniyang puno ng saging. Dinalaw niya ang kaniyang kaibigan.
“Kaibigang unggoy, bakit ka malungkot? Ang ganda-ganda ng sikat ng araw ah.” bati ng pagong sa kaibigan.
“Kasi namatay ang tanim ko.” Malungkot na sagot ng unggoy. “Iyong tanim mo kumusta na, kaibigan?”
“Alami mo ang dami-dami nang bunga ng tanimi ko at mahihinog na silang lahat.” masayang sagot ng pagong.
“Talaga? Puwede ko bang makita? sabi ng tusong unggoy.
Nanlalaki ang mata ng unggoy nang makita ang mga saging na tanim ng pagong.
Tinanong ng unggoy kung sino ang aakyat at kukuha ng mga saging sa itaas ng puno. Sinabi ng unggoy na hindi puwede ang lolo ng pagong dahil mahina na ito at hindi rin uubra ang kanyang kapatid pagkat bulag naman ito.
“Kaibigan pumayag ka kaya kung ako ang umakyat para ipitas ka ng saging?” mungkahi ng unggoy.
“Aba, e di mabuti.” sagot ng pagong.
Mabilis na umakyat ang unggoy. Laking gulat ng pagong sa ginawa ng unggoy. Habang nasa itaas ay kinain nang kinain ng unggoy ang mga bunga hanggang sa ito ay •mangalahati na lamang. Nakiusap ang pagong na abutan naman siya subali’t pinagtawanan lamang siya ng unggoy.
Sa galit ng pagong sa katakawan ng unggoy, umalis siya at kumuha ng maraming tinik. Itinusak niya iyon isa paligid ng puno ng sagging.
“Kaibigang unggoy, hindi mainam sa kalusugan ang manatili diyan sa itaas ng buong araw. Ito’y isang payo ko lang sa iyo. Oras na marinig mo ang kahol ng aso, iyon ay isang hudyat upang ikaw ay bumaba na riyan.” at umalis na ang pagong.
Di nagtagal at kumahol ang aso ng kapitbahay. Sa oras na iyon ay busog na busog na ang unggoy, Ayaw pa sana niyang bumaba nguni’t naalala niya ang bilin ng kaibigan. Dahan-dahan siyang bumaba dahil sa sobrang kabusugan. Marahil sa sobrang bigat ay dumulas siyang pababa at bumagsak sa mga tinik na nakapaligid sa puno ng saging. Aringking sa sakit ang unggoy at. namimilipit sa sakit ng katawan hanggang sapitin ang kaniyang bahay.
Kinabukasan ay maagang gumising ang unggoy. Kailangan niyang makaganti sa ginawa sa kaniya ng pagong. Lumabas siya at hinanap ang kaibigan. Napagod siya a kalalakad. Pasalpak siyang naupo sa isang animo isang malaking kabibe upang magpahinga. Ang buntot niya ay pumasok sa isang butas at iyon ay biglang hinila ng walang iba kundi ang kaibigan niyang pagong. Ang likod pala ng pagong ang kaniyang naupuan. Napatalon ang unggoy.
“Aha, ikaw pala!” sigaw ng unggoy. “Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?” “Anong gagawin mo sa akin?” tanong ng pagong.
“‘Lilitsunin kita!” sabi ng unggoy.
“Kapag ginawa mo iyan, magiging pula ang kulay ko. Hindi mo ba alam na pula ang paborito kong kulay?” sagot ng pagong.
“Pagkatapos ay tatadtarin kita!” sabi uli ng unggoy.
“E di maganda, ikaw rin dadaming lalo ang pagong dito.” sabad naman ng pagong.
“At pagkatapos ay itatapon kita sa ilog!” painis na sabi uli ng unggoy.
Pagkarinig dito ay lihim na natutuwa ang pagong, Hindi alam ng unggoy na gustong-gusto nga niyang maglaro sa tubig at lumangoy. Hindi nagpahalata ang pagong.
“Maawa ka, kaibigan. Huwag mong gawin sa akin iyan.” pakunwaring umiyak na sabi ng pagong.” Ilitson mo na ako o tadtarin mo kaya. Pero huwag mo lang akong itapon sa ilog!”
Hindi pinakinggan ng unggoy ang pakiusap ng pagong. Ubos lakas niyang inihagis sa tubig ang pagong. Sumisid sa kailaliman ang pagong at ilang sandali lamang at lumitaw ito na may hawak na isang malaking isda. Ipinakita niya ito sa kaibigang unggoy. Nagulat ang unggoy at hindi agad nakapagsalita.
“Kaibigan, ibibigay mo ba sa akin iyan?” ang nasambit ng unggoy. “Bakit hindi ka lumundag dito at humuli ng para sa iyo?” sagot ng pagong. “Hindi kanaman siguro isang tamad.”
Ayaw na ayaw ng unggoy na matatawag siyang tamad. Dali-dali siyang tumalon at dahil sa hindi siya marunong lumangoy, siya ay nalunod. Ang pagong ay tumawa na lang nang tumawa.
Basahin ang Iba Pang Halimbawa:
- Ang pagong at ang kalabaw
- Ang magkapitbahay na Kambing at Kalabaw
- Ang matalinong matsing at ang buwaya
- Ang unggoy at ang Pagong
Comments are closed.