– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang pagkakaiba ng Awit sa Korido. Tara na’t ating palawakin ang ating kaalaman ukol dito. Simulan na natin!
Bago natin talakayin ang pagkakaiba ng dalawa, atin munang balikan ang kahulugan ng bawat isa sakanila.
Ano nga ba ang Awit?
– Ito ay ay maaring tunog na gawa ng isang tao o mas alam sa salitang kanta. Maari din itong gawain katulad ng “Pag-awit”
Ano nga ba ang Korido?
– Ito ay isang panitikan na nasa anyong patula. Ang kahulugan nito ay isang kwento na makasaysayan, maguni-guni, kagila-gilalas, kahanga-hanga at puno ng kababalaghan.
Ano ang kanilang pagkakaiba?
AWIT | KORIDO |
Ito ay binibigkas ng mabagal | Ito ay binibigkas naman ng mabilis |
Ito ay may labindalawang pantig | Ito ay mayroon lamang walong pantig |
Ito may saliw ng bandurya o gitara | Ito ay may kumpas na tulad ng martsa |
Ito ay may kapani – paniwalang daloy ng kuwento | Ito ay kinawiwilihan dahil sa mga mala – pantasyang temang taglay nito |