– Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang pagkakaiba ng ligal na pananaw sa lumawak na pananaw. Tara na’t sabay sabay nating palawakin ang ating mga kaisipan ukol sa paksang ito. Simulan na natin!
PAGKAKAIBA NG LIGAL NA PANANAW SA LUMAWAK NA PANANAW?
– Ang pagkamamamayan ay nahahati sa dalawang pananaw, ang legal na pananaw na kung saan ginagawang batayan ang Saligang Batas upang mabiyayan ng pagkamamamayan ang isang indibidwal at ang lumawak na pananaw na siyang kaakibat na tungkulin ng isang mamamayan sa bansang kanyang kinabibilangan.
Ang ligal na pananaw ay isang uri ng pananaw na kung saan ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabase sa leglidad alinsunod sa isinasaad ng Saligang Batas ng isang bansa. Sa kabilang banda, ang lumawak na pananaw naman ay tumutukoy sa iba’t ibang gampanin o tungkulin na may kaugnayan sa pagkamamamayan ng isang indibidwal.