Sa araw na ito ay ating pag-uusapang ang tungkol sa Tanka at Haiku. Ano nga ba ang pagkakaiba nilang dalawa? tara na’t sabay-sabay nating alamin.
Magkaibang uri ng panulaan ang Tanka at Haiku, bagama’t nagsimula ang mga ito sa Japan. Mayroon itong kanya – kanyang katangian ng pagiging magkaiba.
Pagkakaiba ng Tanka at Haiku
Tanka
- Ito isang uri ng tula na maaaring awitin ay may kabuuang tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. Ang hati ng pantig sa mgataludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-7-7-5 o maaaring magpalit-palit nang nananatili ang kabuuang bilang ng pantig na talumpu’t isa.
- Pagbabago, pag-iisa at pag-ibig ang karaniwang paksa ng Tanka.
- Ikawalongsiglo
Haiku
- Ito naman ay higit na maikli sa Tanka. Binubuo ito ng tatlong taludtod na may bilang ng mga pantig na 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit nang di nababago ang kabuuang bilang ng mga pantig na labimpito.
- Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang paksa ng Haiku.
- Ika-15 siglo
Pagkakatulad ng Tanka at Haiku?
Ano ang pagkakatulad ng Tanka at Haiku? Ang Tanka at Haiku ay parehong nanggaling sa bansang Japan. Pareho ring pinahahalagahan ng mga Hapon ang mga ito dahil parte ito ng kanilang kultura at panitikan. Ang Tanka at Haiku ay parehong may layunin na magsaad ng paksa o ideya gamit ang kakaunti at pilingsalita lamang.Iyan ang pagkakatulad ng tanka at haiku