Pagkakatulad ng Bernakular at Diyalekto

– Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang pagkakatulad ng Bernakular sa Diyalekto. Atin nang tuklasin. Simulan na natin!

Bago tayo magtungo sa kanilang pagkakatulad, atin munang alamin ang kahulugan ng dalawa.

Ano nga ba ang Bernakular?

– Ito ay tumutukoy sa anumang wika o diyalektong ginagamit sa pagsasalita araw-araw ng karaniwang mga tao sa isang partikular na lugar.

Ano nga ba ang Diyalekto?

– Ito ang tawag sa wikang ginagamit sa isang partikular na pook o lugar, maliit man o malaki.

ANO NGA BA ANG PAGKAKATULAD NILANG DALAWA?

– Ang Bernakular at Diyalekto ay parehas ng kahulugan sa aspetong parehas nagagamit ang mga ito sa isang partikular na rehiyon, probinsya, pamayanan, grupo, tribo, o kahit na ano pa mang kapulungan ng mga tao. Parehas din natin silang ginagamit upang makipag-usap sa ibang tao.