Paikot na daloy ng Ekonomiya

– Sa paksang ito, ating mapag aaralan kung paano nga ba umiikot ang daloy ng ating ekonomiya at ang iba’t ibang modelo nito. Tara na’t sabay sabay nating alamin!

Ano nga ba ito?

– Ito ay tumutukoy sa isang proseso o modelo kung paano gumagana ang isang ekonomiya. Paikot ito dahil ang paggalaw ng bawat salik o elemento nito ay may nag-uumpisa at bumabalik din sa isang lugar at nagpapatuloy ang daloy. Ipinakikita rin ng paikot na daloy ng ekonomiya, tinatawag ding economic circular-flow model, ang daloy ng produkto at serbisyo, at ng pera o salaping mahalang mga kabahaging marapat na bantayan.

MGA AKTOR SA PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

1. Sambahayan

– Ang bahaging ginagampanan nito ay ang pagiging konsyumer ng mga tapos na produkto at kalakal na nilikha ng bahay-kalakal at suplayer ng mga salik ng produksiyon.

2. Bahay- Kalakal

– Ito ang nagiging konsyumer ng mga salik ng produksyon na nagmumula sa sambahayan at suplayer ng mga tapos na produkto at kalakal.

3. Pamahalaan

– Ang Pamahalaan ang nangongolekta ng buwis sa sambahayan at bahay-kalakal at nagkakaloob ng serbisyong pampubliko.

4. Panlabas na Sektor

– Ito ang nagbebenta sa ibang bansa o tinatawag na Export o bumibili sa ibang bansa o mas kilala sa tawag na Import.

Upang mas maintindihan ang daloy ng ekonomiya, narito ang mas detalyadong impormasyon ukol sa mga modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya:

Unang Modelo. Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing aktor sa modelong ito. Ang sambahayan ay ang kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman ay ang tagalikha ng produkto.

Ikalawang Modelo. Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon ng ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing sektor dito. Sila ay binubuo ng iba’t ibang aktor. Sa puntong ito masasabing magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal.

Ikatlong Modelo. Ang ikatlong modelo ay nagpapakitang dalawang pangunahing sektor-ang sambahayan at bahay-kalakal. Isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay- kalakal ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap.

Ikaapat na Modelo. Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan. Maaaring maliit at mabagal ang gampanin ng pamahalaan dito. Maaari namang malaki rin at aktibo ang pamahalaan dito.

Ikalimang Modelo. Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado. Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag- ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. Ang tuon lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya. Ang perspektiba sa saradong pambansang ekonomiya ay domestik.