– Sa paksang ito, ating pag aaralan ang Sektor ng Paglilingkod. Ano nga ba ito? Ating alamin! Tara na’t sabay sabay tayong kumalap ng impormasyon ukol dito. Simulan na natin!
Ano nga ba ito?
– Ito ay tumutukoy sa tersiaryong sektor. Ito ay ang bahagi ng ekonomiya na nagbibigay ng serbisyo o paglilingkod sa mga konsumer sa halip na kumuha o lumikha ng mga produkto. Saklaw nito ang distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto, lokal man o internasyunal. Sa madaling sabi, ang tersiyaryong sektor ay ang sektor ng serbisyo.
Bakit nga ba ito mahalaga?
– Ito ay may mahalagang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod sa larangan ng ekonomiya at maging sa anumang uri ng kalakaran sa pagpapatakbo sa loob ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng sektor na ito ay lalong napapaunlad ang mga produkto at materyales na nanggagaling mula sa sektor ng ekonomiya, agrikulura at industriya. Sa ganitong kalakaran ay lalo pang bumibilis ang pag-unlad ng isang bansa.
Dahil sa kontribusyon at tulong ng mga nasa sektor ng paglilingkod, maayos na naipararating ang mga kalakal kahit saan mang dako ng daigdig. Ang mga produkto at mga serbisyo ay natatamasa ng mga tao sa pamamagitan ng pagbiyahe sa lupa, sa tubig o maging sa himpapawid. Maging sa sining pangkomunikasyon ay mabilis din ang paghatid ng mga mensahe at mga aununsiyo sa mga mamamayan.
ito ang bahagi ng ekonomiya na tumitiyak na mabibigyan ng maganda at mainam na serbisyo at produkto ang mga mamimili sa pamamagitan ng maayos at maingat na pag-iimbak, pangangalakal, at pagtitinda ng mga produkto. Kagaya ng ibang mga sektor, nagbibigay rin ito ng trabaho sa maraming mamamayan at naglalagay ng dolyar sa bansa.
Halimbawa ng Sektor ng Paglilingkod:
Kasama sa mga serbisyo ang pagpoproseso ng payroll, pagbili, warehousing, transportasyon, at mga benta. Ang mga serbisyo ay karaniwang ginagawa ng mga empleyado na nagtatrabaho sa ilalim ng kontrata sa kumpanya na lumilikha ng pangangailangan para sa kanilang mga serbisyo.
Maraming mga trabaho sa gobyerno sa sektor na ito, dahil ang gobyerno ay direktang kasangkot sa mga bagay sa isang bansa.
Ang mga trabahong ito ay kinabibilangan ng abugado sa pagtatanggol, katulong na abugado ng heneral, representante ng abugado ng pangkalahatan, hukom, opisyal ng pulisya, manggagawa ng Serbisyong Panlipunan, inspektor ng paggawa, opisyal ng gabinete, inspektor ng hangganan, opisyal ng riles, inspektor ng buwis, miyembro ng Coast Guard, ahente ng konsul, customs officer, trade representative, at cabinet officer.