PANLAPI – ginagamit upang makabuo ng panibagong salita. Ito ay morpemang di-malaya ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang salita.
Ang mga ito ay idinudugtong sa salitang -ugat— maaaring sa unahan, sa gitna o sa hulihan.
Salitang-ugat- o tinatawag ding root word sa wikang ingles ay ang mga salita na buo ang kilos. Ito ang pinakaina ng salita. Mga halimbawa ng salitang ugat: takot, ganda, takbo, lamang, anyo, tinda at marami pang iba.
Mga uri ng panlapi
1. Unlapi
Ito ay ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga unlapi ay ma-, ,mag-, na-, nag-, pag-, pala-, atbp.
Halimbawa: magpasa, natakot, palabiro, nagtanim
(pang-) + laban = panglaban=panlaban
(pang-) + bato= pangbato=pambato
Pansining ang “ng” sa panlapi ay naging “n” sa una at sa pangalawa ito ay naging”m”. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng ganap na asimilasyon ng salita.
Rule: kapag ang salitang-ugat ay nagtatapos sa d,1,r,s at t ang “ng” ay nagiging”n”.
(pang-)+lata=panglata=panlata
(pang-)+daloy= pangdaloy=pandaloy
(pang-) + raket = pangraket-panraket kapag ang salitang-ugat ay nagtatapos sa p at b ang”ng” ay nagiging”m”.
(pang-) + bato=pangbato=pambato pang-) +pala= pangpala=pampala
2. Gitlapi
Ito ay mga mopemang inilalagay sa loob ng salita. Ang mga madalas ginagamit na mga gitlapi ay -um-, at -in-
Halimbawa: sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa
3. Hulapi
Ito ay inilalagay sa hulihan ng salita. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay -an, -han, -in, -hin.
Halimbawa: sabihan, sulatan, ibigin, gabihin, isipin, tapusin
4. . Kabilaan
Kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa: mag-awitan, paalisin, kaibigan, kapayapaan
(Kina-)+takot+ -an)=kinatakutan sa halimbawa, makikitang dinugtungan ng unlapi na “kina” at hulapi na (“-an”) takot + “-in”= tinakot sa halimbawa makikitang ang ginamit ay gitlaping “-in”
5. Laguhan
Ang laguhan ay kapag mayroong panlapi sa unahan,gitna at hulihan ng salita. Halimbawa: pagsumikapan; salitang-ugat – sikap