– Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang Sektor ng Industriya at iba pang mga karagdagang impormasyon ukol sa sektor na ito. Tara na’t sabay sabay nating alamin!
Rekomendasyon: Sektor ng Ekonomiya
Ano ang Sektor ng Industriya?
– Ito ay mas kilala bilang sekondaryong sektor. Ito ay nakapokus sa paggawa ng mga tinatawag na “finished goods” na nakuha mula sa primaryang sektor. Ito tumutukoy sa mga pagawaan, paggawa at mga manggagawa para sa produksiyon ng mga kalakal.
-Magsisimula sa Sektor ng Agrikultura kung saan nagmumula ang mga hilaw na Materyales, Pagkatapos ay ipoproseso ito sa Sektor ng Industriya hanggang sa maipamahaga sa mga mamayan ng Sektor ng Paglilingkod.
Kahalagahan ng Sektor ng Industriya
Malaki ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa. Sa katunayan, nagiging daan ito ng panibagong pag-asa para sa mga Pilipino na makabilang sa mga industriyalisadong bansa. Ang mag sumusunod ay ilan sa mga kahalagahan ng sector na ito:
- Nagbibigay ng hanapbuhay
- Tagaproseso ng mga hilaaw na material
- Nagsu-supply ng mga yaring produkto
- Nagsisilbing pamilihan ng mga pangangailagan ng iba pang sector ng lipunan
- Nagbibigay ng kitaang panloob
- Nagbibigay ng kitang panlabas
Ano ang ating makukuha sa sektor na ito?
– Sa sektor na ito, nasisigurado ang mapanahon at mainam na beryson ng mga produkto upang mas mapadali ang pamumuhay ng mga tao. Sa pagdadagdag, nakapagbibigay rin ito ng trabaho–mula sa paggawa ng finish product at sa pagebenta ng mga produkto nito. Katulad ng unang sektor, nakapagpapapasok din ito ng dolyar sa bansa.
- Pagbubukas ng maraming trabaho para sa mga tao
– Ang pagpapatayo ng mga pagawaan ay nagangahulugan ng pangangailangan ng maraming bilang ng mga manggagawa. Dahil dito ay tataas ang employment rate ng isang bansa.
2. Tumataas ang pananalapi ng gobyerno
– Kaakibat ng pagdami ng mga industriya at mga pabrika ay ang pagtaas ng koleksiyon ng buwis mula sa mga kapitalista. Mula sa mga buwis na ito ay lumalago ang kaban ng bayan. Ito rin ang ginagasta upang maisakatuparan ang mga maraming proyekto ng pamahalaan gaya na lamang ng mga tulay at mga kalsada.
3. Paghikayat ng turismo sa bansa
– Kapag lumalago ang sektor ng industriya ito ay gumugawa ng ingay hindi lamang sa ekonomiya bagkus sa larangan din ng turismo.
4. Dumarami ang mga mamumuhunang lokal at dayuhan
– Ang maunlad na industriya ay humihikayat ng mga malalaking negosyante upang magpatayo ng mga negosyo. Magandahang bentahe sa ekonomiya ang pagkakaroon ng maraming dayuhang namumuhunan sa isang lugar.
5. Pagtaas ng antas ng lipunan
– Ang progresibong sektor ng industriya ay nakakatulong para maiangat ang antas panglipunan ng isang lugar.
Sangay ng Sektor ng Industriya
Nahahati ang sector ng industriya sa apat na sangay: ang pagmamanupakture, konstruksyon, pagmimina, at serbisyo o paglilingkod (elektrisidad, gas, at tubig).
Uri ng Sektor ng Industriya
Maaring uriin ang mga industriya sa Pilipinas sa pamamagitan ng laki ng puhunan at dami ng mga manggagawang namamasukan dito.
Industriyang Samahayan
Karaniwang gumagawa ng mga produktong yari sa kamay at mga naiprosesong pagkain.
Manggawa: Kasama sa bahay o kapamilya
Puhunan: Maliit lamang ang kinakailangang puhunan na maaaring manggalang sa sariling ipon ng pamilya.
Maliit na Industriya
Gumagamit sila ng mga payak na kagamitan at makinarya sa paggawa ng mga produkto.
Manggagawa: 5 hanagang 99 tuhan
Puhunan: P5 milyong halaggang P51 milyon na maaaring manggaling sa pag-utang sa mga industriyong pampinansiyal tulad ng mga bangkong local.
Katamtamang-Laki ng Industriya
Kinakikitaan ng sistema ng espesyalisasyon sa mga Gawain at nangagailangan ng modernisadong makinarya sa pagsasakatuparan ng produksyon.
Manggawa: 100 hanggang 199 tauhan.
Puhunan: P51 hanggang P54 na milyon na ang mahihiram sa mga malalaking bangko.
Malaking Industriya
Higit na espesyalisado ang mga Gawain at komplikado ang istruktura ng pangasiwaan. Nangangailangan din ng mas matas na antas ng teknolohiya.
Manggagawa: 200 o higit pang tauhan
Puhunan: may P55 milyon o higit po ang halaga ng ari-arian. Maaaring ang panggalingan ng pondo ay ang pag-utang sa mga ayuhang bangko.
Mga Uri ng Negosyo
Sa isang bansang tulad ng Pilipinas na may demokratikong uri ng pamumuhay, ang mga tao ay may kalayaang makapagtayo ng sarili nilang negosyo.
Isahang Pagmamay-ari
Iisa lamang ang namamhala at nagmamay-ari ng lahat ng salik ng produksyon (lupa, puhunan, manggagawa, at entreprenyur).
Madaling itago ang ganitong uri ng negosyo at nangangailangan lamang ng maliit na capital at kagamitan.
Sosyohan
Samahan ng dalawa o higit pang indibidwal na mas malaki ang capital at may legal na katauhan ayon sa isang kasundoang berbal o dokumento.
Ang lahat ng nesosyo ay may karapatan at pananagutan ayon sa uri ng pagkatatag (limitado o pangkalahatan).
Korporasyon
Isang samahang na marami ang nagmamay-ari (stockholders) at nangangailangan ang operasyon ng malaking puhunan. Ito ay mula sa pagkakasundo ng pagkakaroon ng bahagi sa puhunan(share of stocks), alinsunod sa Saligang-Batas na ginawa nito.
Kooperatiba
Isang samahan na ang mga kasapi ay nagmamay-ari rin ng sapi (share) na ang pangunahing layunin ay paglingkuran ang bawat miyembro kaysa sa tumubo nang malaki. Ang mga taong bumubuo nito ay siya ring gumaganap at nangangasiwa sa pagpapalakad, mula sa mga tangin paglilingkod o produkto ng kapwa kasapi.