– Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang Sektor ng Industriya at iba pang mga karagdagang impormasyon ukol sa sektor na ito. Tara na’t sabay sabay nating alamin!
Ano nga ba ito?
– Ito ay mas kilala bilang sekondaryong sektor. Ito ay nakapokus sa paggawa ng mga tinatawag na “finished goods” na nakuha mula sa primaryang sektor. Ito tumutukoy sa mga pagawaan, paggawa at mga manggagawa para sa produksiyon ng mga kalakal.
Bakit ba ito mahalaga?
– Sa sektor na ito, nasisigurado ang mapanahon at mainam na beryson ng mga produkto upang mas mapadali ang pamumuhay ng mga tao. Sa pagdadagdag, nakapagbibigay rin ito ng trabaho–mula sa paggawa ng finish product at sa pagebenta ng mga produkto nito. Katulad ng unang sektor, nakapagpapapasok din ito ng dolyar sa bansa.
Ano ang ating makukuha sa sektor na ito?
- Pagbubukas ng maraming trabaho para sa mga tao
– Ang pagpapatayo ng mga pagawaan ay nagangahulugan ng pangangailangan ng maraming bilang ng mga manggagawa. Dahil dito ay tataas ang employment rate ng isang bansa.
2. Tumataas ang pananalapi ng gobyerno
– Kaakibat ng pagdami ng mga industriya at mga pabrika ay ang pagtaas ng koleksiyon ng buwis mula sa mga kapitalista. Mula sa mga buwis na ito ay lumalago ang kaban ng bayan. Ito rin ang ginagasta upang maisakatuparan ang mga maraming proyekto ng pamahalaan gaya na lamang ng mga tulay at mga kalsada.
3. Paghikayat ng turismo sa bansa
– Kapag lumalago ang sektor ng industriya ito ay gumugawa ng ingay hindi lamang sa ekonomiya bagkus sa larangan din ng turismo.
4. Dumarami ang mga mamumuhunang lokal at dayuhan
– Ang maunlad na industriya ay humihikayat ng mga malalaking negosyante upang magpatayo ng mga negosyo. Magandahang bentahe sa ekonomiya ang pagkakaroon ng maraming dayuhang namumuhunan sa isang lugar.
5. Pagtaas ng antas ng lipunan
– Ang progresibong sektor ng industriya ay nakakatulong para maiangat ang antas panglipunan ng isang lugar.