– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga simbolo ng demokrasya. Tara na’t sabay sabay nating alamin!
Bago natin alamin ang mga simbolong sumasagisag dito, atin munang balikan ang kahulugan ng demokrasya
Ano nga ba ito?
– Ang demokrasya ay ang pagkakakilanlan sa kasarinlan, pantay-pantay na pagtingin sa bawat tao, hustisya, mga karapatang pantao, kalayaang pumili ng pinuno at ang kalayaang ipahayag ang sarili.
MGA SIMBOLO NG DEMOKRASYA
1. Dilaw
– Ang kulay na ito ay ang karaniwang ginagamit ng mga pro-democracy groups. Ito ang kulay na ginamit noong 1986 EDSA revolution para ipahayag ang pagkadismaya sa rehimeng Marcos. Matatandaang noong 2014 sa Hong Kong ay dilaw ang naging tema ng mga pro-democracy protesters laban sa Mainland China na binansagang “Yellow Umbrella Movement”.
2. Timbangan ng hustisya or Scales of Justice
– Ang mga demokratikong bansa ay pinahahalaghan ang hustisya para sa pagkakapantay-pantay ng mga tao. Wala dapat itong pinapaburan sa harap ng batas.
3. Raised Fists o Kamao
– Maraming nag-aakala na ito ay simbolo ng sosyalismo o komunismo. Ngunit ang simbolong ito ay sumasagisag sa karapatan ng mga mamamayan na ipahayag ang sarili at kasama na riyan ang karapatang pumuna sa mga kamalian ng mga nasa posisyon at mga pinuno ng bayan. Simbolo ito na mas mahalaga ang tinig ng bayan kaysa sa mga iniluklok ng taong-bayan.