Talasalitaan (Kahulugan at Halimbawa)

– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng Talasalitaan at ilan sa mga halimbawa nito. Tara na’t simulan na natin!

Ano nga ba ang Talasalitaan?

– Ito ay ang pangkat ng mga salitang nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao. Ito rin ang umuunlad na sabay rin sa edad at kadalasang ginagamit ito bilang pundamental na gamit para sa komunikasyon at pagkakamit ng kaalaman.

Halimbawa:

  1. tumok – kagubatan
  2. legwas – isang metro
  3. gali – paligsahan
  4. maniig – mamihasa
  5. malawig – matagal
  6. bait ko’y luminis – pagkatao’y tumaas
  7. nunukal – likas
  8. nananaw – nawala
  9. pinagsasabihan ng mga sikreto – kalihiman
  10. minunakala – binalak
  11. hinandulong – pinagtataga
  12. ditsong – usapan
  13. di nagpakundangan – di-gumalang
  14. real – maharlika
  15. sulat – kalatas
  16. sasakyang-dagat – daon
  17. lalabanan – kakabakahin
  18. kubkob ng kabaka – ligid ng kaaway
  19. amis – kaawa-awa
  20. panwalat – pangwasak
  21. lulugso – babagsak
  22. maglamas – maglaban
  23. makipanig – makisali
  24. matabil – magsalita
  25. pagseselos – pangimbulo
  26. matatap – matuklasan
  27. paghihirap – pagkatimawa
  28. mabagal – mahinhin
  29. sumugod – susumang
  30. makalawang niligid ni Pebo – dalawang araw