Ang isang talata ay isang serye ng mga pangungusap na nakaayos at magkakaugnay, at lahat ay may kaugnayan sa isang paksa. Ang talata ay nagpapakita sa isang mambabasa kung saan nagsisimula at nagtatapos ang mga subdibisyon ng isang sanaysay, at sa gayon ay matulungan ang mambabasa na makita ang samahan ng sanaysay at maunawaan ang mga pangunahing punto nito.
Ang bawat talata ay may istraktura. Ito ay hindi isang random na koleksyon ng mga pangungusap. Ang mga bahagi na bumubuo sa teksto ay may kaugnayan sa bawat isa.
Halimbawa ng talata
- Naglalarawang Talata
- Nagbibigay ng Impormasyon na Talata
- Narrative na Talata
- Mapang-akit na Talata
Apat na Uri ng Talata
- Panimulang Talata
- Talatang Ganap
- Talatang Paglilipat-Diwa
- Talatang Pabuod
1) PANIMULANG TALATA – dito simulang nalalaman o nagkakaroon ng ideya may kinalaman sa paksa ng talata at kung saan ito patungo.
2) TALATANG GANAP – nilalakip ng mga ideyang nagtutulak sa pangunahing diwa upang mas lalong maintindihan ng mambabasa.
3) TALATANG PAGLILIPAT-DIWA – sinasama o kinukuha nito ang mga natapos o nasabing ideya sa mga nauna nang talata.
4) TALATANG PABUOD – panghuling talata kung saan nagbibigay ng linaw sa pangkalahatang talatang nabasa.
Paano gumawa ng Talata?
Sa paggawa ng talata, sundin ang mga sumusunod na hakbang
- Alamin ang kaisipan o ideya na nais ibahagi
- Sumulat ng pangungusap tungkol dito
- Sumulat ng ikalawa hanggang ikaapat na pangungusap na nagbibigay suporta sa unang pangungusap
- Ang huling pangungusap ay karaniwang naglalaman ng konklusyon
Mga Katangian Ng Isang Mahusay Na Talata
- Kaisahan
- Kaugnayan
- Kaanyuan
- Kaisahan – tumutukoy sa mga pangngusap na nagkakaisang umiikot sa iisang diwa
- Kaugnayan – ang mga pangungusap ay magkakaugnay o magkakadugtong ang kaisipan upang magkaroon ng maayos na daloy ng kaisipan mula una hanggang dulo
- Kaanyuan – ang talata ay maaaring buuin, ayusin, at linangin ayon sa lugar o heorapiya, ayon sa kahalagahan o kasukdulan
Comments are closed.