– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang tatalong uri ng kasinungalingan. Atin nang palawakin ang ating mga kaisipan ukol dito. Tara na’t simulan na natin!
Bago natin alamin ang mga uri ng kasalanan, atin munang bigyang kahulugan ito.
Ano nga ba ang Kasinungalingan?
– Ang Kasinungalingan ay ang pagpapalagay na pinaniniwalaang walang katotohanan, at tipikal na ginagamit sa layuning linlangin ang iba. Ang tawag sa pagsasanay ng pakikipagtalastasan ng kasinungalingan ay pagsisinungaling.
URI NG KASINUNGALINGAN
1. JOCOSE LIES
– Ito ay uri ng kasinungalingan na hindi sinasadya. Ito ay ginagawa upang maghatid ng saya. Halimbawa na lamang ang pagsasabing si Santa Claus ay nagbibigay ng aginaldo sa mga batang naging mabuti sa buong taon.
2. OFFICIOUS LIES
– Ito ay ay kasinungalingang sinadya upang mapagtakpan ang kamaliang ginawa tulad ng pagtanggi sa pagkuha ng salapi gayong ang salapi ay ginamit na pansugal.
3. PERNICIOUS LIES
– Ito ay kasinungalingang lubhang mapaminsala sapagkat ito ay maaaring makasira ng reputasyon ng isang tao tulad ng pagkakalat ng mali at malisosyang balita ukol sa kaibigan.