Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa dula na walang sugat. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Nagsimula ang dula sa maliit na bayan sa bahay ng isang magandang dalaga. Julia ang pangalan ng dalaga. Binuburdahan(embroidery) nito ang hawak na panyo. Dumating si Tenyong, ang kasintahan niya, at pilit tinitignan ang binuburda ni Julia. Ayaw ipakita ng dalaga ang panyo dahil hindi pa ito tapos ngunit mapilit ang binate. Nakuha ni Tenyong ang panyo at nabasa na nakasulat ang mga unang letra ng kanyang pangalan. A- Antonio, N- Narciso F- Flores.
Tinukso ng binata ang dalaga kaya nagpalusot ang dalaga na ang kahulugan ng A.N.F. ay Among Nating Fraile. Hindi ito nagustuhan ni Tenyong dahil galit ito sa mga kastila dahil sa mga kalupitan ng mga ito. Nagbanta itong susunugin niya ang panyo kung totoo nga ang sinasabi ni Julia. Pinigilan ito ng dalaga at napilitang sabihin na ang panyo ay talagang para sa binata. Nagsuyuan ang dalawa.
Dumating si Lukas na halatang tumakbo pa. Hinihingal niyang ibinalita kay Tenyong na ang ama nito ay dinakip ng mga kastila dahil napagbintangang mga rebelde kaya dinala ang ito ang ilang mga kalalakihan sa Bulakan. Agad namang umalis ang binata upang puntahan ang ama.
Naghandang bumisita ang mga kapamilya ng mga naaresto. Habang naghihintay ng masasakyan napag-usapan nilang nagkakaubusan nan g mga lalaki dahil sa mga pagdakip na nangyayari. Sinabi naman ng mga lalaking kasama nila na sila ay nasa bahay lang at handa silang pagsilbihan (to serve). Sinagot naman ng mga kababaihan na silang mga lalaki ay hindi marunong makaramdam at huwag na lamang pakialaman ang mga babae. Matapos ay nagsisakay na sila sa tren patungong Bulakan.
Sa kabilang banda, inutusan naman ng mga fraile si Marcelo na paluin at saktan ang mga nakakulong kahit may ilang namatay na. Ibinilin rin na huwag silang pakainin lalo na si kapitan Inggo na tatay ni Tenyong. Nag-uusap naman si Juana at P. Teban. Nagkwento si P.Teban sa hirap na nararanasan niya dahil kahit padre na siya sa ngayon ay wala pa rin naman itong kinikita. Nabanggit rin niya ang hirap na dinanas nila sa mga kamay ng mga prayle bago narating ang kanilang mga posisyon.
Giit din niya na baka pagsasaka ang katutunghayan niya kung lagi silang walang kita. Sabi pa niya na baka takot lang talaga ang mga tao sa mga prayle at pawing pakitang-tao lamang ang mga tao noon kaya laging nagtutungo sa simbahan. Nakapag-usap ang punong fraile at si kapitana Putin kung saan pinangakuan nito ang kapitana na kakausapin ang gobernador heneral upang palayain na ang kanyang asawa at mga tauhan nito.
Nagpasalamat pa ang kapitana at humalik sa kamay ng fraile. Hindi hinalikan ni Tenyong kasama ng ilang kalalakihan ang kamay ng fraile kaya siya ay napagalitan ng kanyang ina. Giit ng binata na dapat hindi bigyang galang ang mga taong nagiging dahilan ng pagkamatay ng ilan. Sinabi rin niyang huwag paniwalaang ang mga fraile sapagkat kabaliktaran ng mga sinasabi nila ang kanilang ginagawa. Hindi rin siya naniniwala na papalayain ang kanyang ama ng walang kahirap-hirap o kaya’y hindi patay.
Nakahiga sa papag ang sugatan at duguang si kapitan Inggo. Bago mamatay ang kapitan, binilin niya ang kanyang pamilya na magpakatatag at binilin niya si Juana at Julia na huwag pabayaan ang kanyang mag-ina. Naghinagpis ang mag-ina at inatake ang kapitana. Nahirapan itong huminga at nanikip ang dibdib hangang sa siya’y mawalan ng malay. Dahil sa mga nangyari, desidido si Tenyong na sumali sa mga rebelde. Sinubukan siyang pigilan ni Julia ngunit nangibabaw ang kagustuhan ni Tenyong na makapaghiganti at palayain ang inang bayan sa kamay ng mga kastila upang hindi na maranasan ng mga susunod na henerasyon ang mga paghihirap na naranasan nila. Binigyan siya ni Julia ng garantilya na may medalyita at ipinangakong dapat magbabalik ang binata sa kanya ng buhay.
Makalipas ang ilang araw, sinabi ng ina ni Julia sa kanya na dapat siya ay ikasal na at napili nito na si Miguel, isang lalaking may maganda ang estado ng pamilya sa lipunan. Tumutol si Julia dahil nais niyang maikasal sa taong lnilalaman ng kanyang puso. Sinagot naman ng kaniyang ina na isip ang dapat ginagamit sa pagpili ng lalaking makakasama.
Sa sumunod na mga araw, dumating sina Miguel, Tadeo, at P.Teban sa bahay nina Julia upang pag-usapan ang nalalapit na pagpapakasal ng dalawa. Pinuri ni P. Teban na maganda ang binibining napili ni Miguel ngunit ipinagyabang ni Tadeo na siya ang pumili sa babae. Inudyukan ni Tadeo si Miguel na kausapin si Julia ngunit kinakabahan ang binata na baka siya ay masigawan ng dalaga.
Narinig ni Julia na ang pag-uusap ng kanyang ina at mga bisita na itutuloy nila ang pagpapakasal sakanya at Miguel kaya ipinatawag niya si Lukas kay Monica, ang kanyang alalay, upang padalhan ng mensahe si Tadeyo. Sa kuta ng mga rebelde, dumating si Lukas at ibinigay niya ang sulat ni Julia kay Tenyong kung saan nakasaad ang nalalapit na pagpapakasal niya sa lalaking hindi niya mahal. Ngunit bago pa man makapagsulat ng sagot si Tenyong, sinugod sila ng mga kastila at hindi sigurado kung siya ay buhay pa.
Bumalik si Lukas kay Julia na walang sulat at ibinalita ang nangyari kay Tenyong. Nang dumating ang araw ng kasal, walang nagawa ang dalaga kundi pumayag na lamang dahil sa pag-aakalang patay na ang mahal nito at ilayo sa kahihiyan ang kanyang ina. Ngunit bago mairaos ang seremonya, dumating si Lukas at ibinalitang natagpuan na si Tenyong ngunit nag- aagaw buhay ito at sugatan.
Dinala nila si Tenyong sa dausan ng kasal. Bilang huling hiling bago ito mamatay, hiningi niya na makasal kay Julia. Kahit tutol dito sina Juana, Tadeo, at Miguel, pumayag rin sila sa pag- aakalang mamamatay rin naman ang lalaki at matutuloy ang kasalang Miguel at Julia. Ngunit hindi nila inaakala na matapos ikasal si Julia kay Tenyong ay babangon at tatayo ang lalaki na tila wala itong sugat. Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat” at gulat na gulat ang lahat.