Importante na maituro sa ating mga anak ang magagandang asal upang lumaki silang may takot sa Diyos at mabuti sa kapwa tao. Ang pagtuturo nito ay nagsisimula sa tahanan. Ang mga guro sa paaralan ay may malaki ring kontribusyon pati na ang mga kaibigan.
Mga halimbawa ng Magandang Asal
Pagaaral ng Mabuti
Isa ang pagaaral ng mabuti para maipakita ang magandang asal sa ating mga magulang para maibsan ang kanilang aalalahanin pagdating ng panahon at matupad mo ang mga pangarap mo.
Pagaalaga sa Kapwa
Ang pagaalaga sa kapwa ay isang magandang gawain na nagbibigay tulong sa nangangailangan nito at isa ito sa magandang asal na maipapamahagi mo.
Pagmamano sa Nakakatanda
Ang pagmamano sa nakakatanda ay isang senyales ng paggalang mo rito at nagpapakita ng magandang asal.
Pagdadasal Bago Kumain
Ang pagdadasal bago kumain ay kaugalian na ibinahagi sa atin ng ating mga ninuno bilang isang mabuting Kristyano at ito ay nagpapakita ng magandang asal.
Pagiging Makabayan
Ang simpleng paghinto pag naguumpisa na ang Flag Ceremony ay naghuhudyat ng isang pagiging makabayan at ito rin ay nagpapakita ng magandang asal.
Pagiging Masipag
Ang pagiging masipag ay nagpapakita ng magandang asal kasi sa lahat ng ginagawa mo ay binibigay mo ang iyong sipag na magdadala sayo sa gusto mong puntahan balang araw.
Pagiging Matapat
Ang katapatan ay isang magandang asal na kumakatawan sa pagkatao ng isang tao na hindi magpapasakop sa kasinungalingan.
Mapagbigay sa Kapwa
Ang pagbibigay ay isang magandang asal na naghahatid kasiyahan sa iyo at sa iyong natulungan. Maliit man o malaki kung ang pagbibigay sa yung kapwa ay taos sayong puso lahat ng yun ay mahalaga.
Pakikipagkaibigan
Ang pakikipagkaibigan ay nagpapakita ng magandang asal sa pakikipagkapwa tao para ibahagi ang ating mga karanasan sa buhay at pagbahagi ng tulong sa panahon ng pangangailangan.
PagpapaSalamat
Ang pagsabi ng Thank You sa iyong kapwa kapag may ginawang mabuti sayo ay isang pagpapakita ng magandang asal.
Pagmamahal sa Magulang
Ang pagmamahal sa magulang ay isa sa magandang asal na maipapakita mo saiyong magulang dahil ito ay ang sukli sa lahat ng ginawang sakripisyo at pagaalaga sayo.
Paggamit ng Po at Opo
Ang paggamit ng Po at Opo ay isang matandang kaugalian na nagpapakita ng paggalang sa mga nakakatanda sa atin ay nagpapahiwatig ng magandang asal.