Alam mo ba kung saan ginagamit ang salitang din at rin? Maaaring pareho lang sila ng pinagtutungkulan ngunit may tamang paggamit dito na naaayon sa pangungusap. Ito ang tamang paggamit salitang din at rin sa pangungusap:
Pagkakaiba ng rin at din
Ang “din” ay ginagamit kasunod ng mga salitang nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
Samantala, ang “rin” naman ay ginagamit kapag ang sinusundang mga salita ay nagtatapos sa mga patinig o ang mga mala-patinig ng katinig w at y.
Mga halimbawa ng gamit ng “Rin”:
- May balak ka rin sigurong higupin ang mainit na sabaw.
- Mga manunula rin ang nanalo sa bandang huli.
- Taga Cavite rin ang pinagpalang maambagan
Mga halimbawa ng gamit ng “Din”:
- Nawaldas din ang kanyang pinaghirapan.
- Walang malay din syang iniwan.
- Sinaktan din sya ng kanyang minamahal.