– Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang posisyong papel, paano ba ito ginagawa at halimbawa nito. Handa ka na ba? Tara simulan na natin.
Ano nga ba ang Posisyong Papel?
-Ito ay isang sanaysay kung saan nilalahad ng may-akda ang kanyang opinyon na naninindigan hinggil sa isang importanteng o mahalagang isyu o usapin. Puwede itong patungkol sa batas, akademiya, politika at iba pang mga larangan.
Paano nga ba gumawa ng isang makabuluhang Posisyong Papel?
Ayon kay Grace Fleming, ito ang mga kailangang kunsiderahin sa paggawa ng isang magandang posisyong papel.
1. Pumili ng paksa batay sa iyong interes
– ito ay magiging daan upang mas mapadali ang pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyon
2. Magsawa ng paunang pananaliksik
– Ito ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan.
3. Hamunin ang iyong sariling paksa
– Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw. Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito. Ito ay magpapatibay ng iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel.
4. Mangolekta ng sumusuportang katibayan
– Manaliksik at maghanap ng mga katibayan upang suportahan ang iyong paninindigan. Puwedeng gamitin ang mga datos, mga opinyon galing sa isang dalubhasa o mga karanasan ng mga Iba’t ibang tao.
5. Lumikha ng balangkas
– Sa paglikha nito, kailangang kunsiderahin ang mga bagay na ito:
- Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon at gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon
- Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon
- Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon
- Kailangang pangatwiranang mabuti ang iyong posisyon sa kabila ng mga inilahad na mga kontra-argumento
- Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon
Halimbawa:
Posisyong Papel Higgil sa Pagpapatupad ng K-12 Program
Ang K-12 program ay ang pagdagdag ng 2 taon sa basic kurikulum sa Pilipinas dahilayon sa DepEd, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa asya na nagpapatupad pa ngsampung taong basic education. Ang K-12 program ay nahahati sa kindergarten, primaryeducation, junior high school at senior high school. Bilang mga mag-aaral, sumasang ayon kami sa pagpapatupad ng K-12 program dahil ito’y may malaking benepisyo at mas mahahasa ang kasanayan sa iba’t ibang larangan ng espesiyalisasyon.
Ang pagdagdag ng K-12 sa kasulukuyang panahon ay maituturing na malaking tulong sa karamihan lalo na sa mga mag-aaral. Limang taon na ang lumipas mula ng iimplementaang K-12 kurikulum sa Pilipinas at samu’t-saring isyu pa din ang patuloy na umuusbongmula sa iba’t ibang boses ng tao. Ito ay sumasakop sa labing dalawang taong pag-aaral naisinabatas ng Republic Act No. 10533, na kilala sa titulong “Enhanced Basic Education Actof 2013”.
Layunin nitong mabigyan ng sapat na pag-aaral ang mga Pilipino na gaya sa ibangbansa, kung saan may matibay na kompetensiya, kakayahan at kaalaman sa trabaho napinanghahawakan. Bilang mga Senior High School na mag-aaral, sang ayon kami sa pagiimplementa ng “Enhanced Basic Education Act of 2013” o K-12 kurikulum. Sa pag iimplementa nito, mas magiging handa ang mga mag-aaral sa pasabak sa trabaho atpagharap sa reyalidad ng buhay. Sinasabing isa sa mga kabutihang maidudulot nito ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na mahasa sa iba’t ibang larangan ng espesiyalisasyon.
May layon din ito na makapagbigay ng sapat na panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga konsepto at skills na kinakailanganpara sa kolehiyo at unibersidad pati narin sa pagtatrabaho. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang isang magaaral ng Senior High School ay maraming gawain hindi lamang sa pangintelektwal pati na rin sa emosyonal at kakayahang hinuhubog ng departamento ng edukasyon. Isa na dito ang “immersion” na isa sa mga pangangailangan para makapagtapos.
Dagdag sa kagandahan ng programang ito ay ang pagkakaroon ng trabaho pagkatapos ng Senior High School dahil isinasaad ng DepEd na ang kurikulum na ito ay isang mataas na prebilehiyo ng edukasyon. Maaari na ring ituring na may mataas na pinag-aralan ang sinumang nagtapos ng K-12 kahit pa sa ibayong dagat. Ayon nga sa blogspot.com maaari nang kumuha ng Certificate of Competency Level 1 kung na kompletomo na requirement ng TESDA kahit na Junior High ka pa lang at pagnagpatuloy sa SeniorHigh may mas magandang opportunidad na makukuha ng trabaho lalo na sa mga kapos sapanustos sa kolehiyo.
Sa kabuuan, malaki ang maituturing ng pagpapaimplementa ng “Enhanced Basic Education Act of 2013” o K-12 kurikulum. Dapat itong pagtibayin at panatilihin ng gobyerno at maglaan ng pondo para sa libreng pag-aaral ng K-12 nang sa gayon ang mga magulangat mga mag-aaral hindi na tumutol ay magprotesta hinggil dito. Ngunit gaano pa man kaganda ang ibinibigay na benepisyo ng kurikulum na ito sa buhay ng estudyante, kung hindi naman sasamahan ng tiyaga at pagsusumikap ay wala ring mangyayari.
Comments are closed.