– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang pagkakaiba ng Anapora sa Katapora. Ano ba ang kanilang pagkakaiba? Sabay sabay nating palawakin ang ating mga kaisipan. Simulan na natin!
Bago tayo tumungo sa kanilang pagkakaiba, atin munang balikan ang kahulugan ng dalawang ito.
Ano ang Anapora?
– Ito ay mga panghalip na ating makikita at nagagamit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap.
Ano ang Katapora?
– Ito ay mga panghalip na ating ginagamit sa unahan bilang tanda sa pinalitang pangalan sa hulihan.
Ano nga ba ang kanilang pagkakaiba?
– Ang pagkakaiba nila ay sa posisyon kung saan ginagamit ang panghalip. Sa Anapora ay ginagamit ang panghalip sa hulihan ng pangungusap bilang panimula sa pinalitang pangalan sa unahan. Sa kabilang banda, ang Katapora naman ay mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan.