Ano nga ba ang kahulugan ng Adyenda? Sa araw na ito ating aalamin ang ibig sabihin nito, layunin, kahalagahan, mga gamit, nilalaman at mga halimbawa nito.
kahulugan ng Adyenda
Ang Adyenda (Agenda sa salitang ingles) ay isang listahan ng mga tatalakayin ayon sa pagkakasunod-sunod sa isang pormal na pagpupulong.
Layunin ng dokumento na ito na bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at usaping nangangailangan ng atensyon. Nakasaad din dito ang mga aksyon o rekomendasyong inaasahang pagusapan sa pulong.
Ang salitang adyenda ay nagmula sa pandiwang Latin na agree na nangangahulugang gagawin. Nabibigyang depinisyon ang agenda bilang isang dokumento na naglalaman ng listahan ng
pag-uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong.
Nakasulat ito sa kronolohikal o ayon sa pagkakasunod- sunod batay sa halaga nito sa indibidwal, organisasyon o institusyon nag pagpapakahulugan.
- Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:
- Mga paksang tatalakayin
- Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa
- Oras na itinakda para sa bawat paksa
- Ito ang nagtatakda ng balangkas ng pulong.
- Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist.
- Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi ng pulong na maging handa.
- Ito ay nakatutulong na mapanatili ang pokus sa mga paksang tatalakayin.
Gamit ng Adyenda
- Ginagamit ang adyenda bilang pagtukoy sa mga gawain na dapat aksyunan o bigyan ng prayoridad.
- Layunin nitong bigyang ideya ang mga kalahok sa paksang tatalakayin sa mga usaping nangangailangan ng atensyon.
- Karaniwan ang mga nagpapatawag ng pagpupulong ay mga (president, CEO director, tagapamahala pinuno ng union at iba pa.
Kahalagahan ng Adyenda
Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyendang pulong:
- Nakakapagbigay katuturan at kaayusan ang daloy ng pulong.
- Nalalaman ng mga nagpupulong ang mga pag-uusapan ang isyu na dapat tugunan.
- Nabibigyan ng pagkakataon tantyahin ang oras ng pagpupulong dahil malinaw kung ano ang dapat pag-usapan.
- Tinitiyak ng adyenda ang makabuluhang paggamit ng oras sa isang pulong. Sa pamamagitan nito, nanatiling tapat ang mga kasapi ng organisasyon sa mahahalagang bagay na dapat nitong matapos at naiiwasan ang paglihis sa mga paksang di mahalaga.
Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong
Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.
Nilalaman ng Adyenda
Narito ang mga nilalaman ng adyenda:
- Mga Paksang tatalakayin
- Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa
- Oras na itinakda para sa bawat paksa
- Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito magsisimula at matatapos? ( para malaman ng mga kalahok kung kailan at saan)
- Ano-ano ang layuning inaasahang matamo sa pulong? ( bakit isinasagawa ang pagpupulong?
- Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong?
- Tanging ang mga taong talagang kailangang dumalo ang dapat ang nasa listahan.
Mga dapat tandaan sa paggamit, paggawa pangangasiwa ng isang Adyenda
- Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
- Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa.
- Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan.
- Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda.
- Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa ang adyenda.
- Ihanda ang mga kinakailangang dokumento kasama ang adyenda.