Sa araw na ito ay ating tatalakayin ang kahulugan ng Ponolohiya, pati na rin ang kahalagahan nito. Sabay sabay tayong matuto.
Ponolohiya – ito ay mga tunog na ginagamit sa pagbuo ng mga salita sa isang partikular na wika at tunog na naririnig kung bumibigkas ng isang buong salita o pahayag o pangungusap ang nagsasalita.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ponolohiya
-naihahayag ang diwang nais ibigay ng nagsasalita
-nagbibigay diin (stress), paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng tinig (pitch), at pagpapahabang tunog (prolonging/lengthening)
Ponema
Ponema –ang tawag sa pinakamaliit na yunit ngtunog. Sa wikang Filipino, mayroong dalawampu’t isa (21) ang ponemang segmental.
Lima (5) rito ay patinig,labing anim (16) ang katinig o glottal.
Ponemang Segmental – ay ang mga tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang titik sa ating alpabeto.
Ponemang Katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16 / b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/, /ng/,/w/,/y/, / ˆ ΄ – /.
Ponemang Patinig – ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/.
Ayon kay Cubar (1994) angfonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English.
Ponemang Suprasegmental – ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono (tune), haba (lengthening) at hinto (Juncture).
Tono – tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig.– nakukuha ang mensahe ng kausap– nangangaral,naiinis, nang-iinsulto, nagtatanong, nakikiusap o nag-uutos.
Haba- tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantig ng salitana may patinig o katinig.
Diin – tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig nakailangang bigyang-diin.Antala/ Hinto/ Pagtigil – saglit na pagtigilDiptonggo –
Ang Diptonggo ay ang mga patinig namay karugtong na malapatinig na w at y.
.-aw, ew, iw, ow, uw, ay, ey, iy, oy, uy
Klaster – ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan itosa– inisyal, sentral, pinal (initial, central, final)- Halimbawa: Blusa, Kwento, atbp.