Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa Kwento ng katutubong kulay. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Sa giray na batalan ay naghuhugas ang maglalabing-anim nataong gulang na si Impeng ay natigilan nang dahil sa pangangaral ng nanay niyasa kanya.Baka mapaaway na naman siya.Sa apat na magkakapatid ay tanging siImpeng lamang ang maputi sapagkat sina Kano, Boyet at DingDing ay mapuputi lalo na si Kano. Pag-alis niya ay isinuot niya ang kamisetang dati ay masikip ngayo’y maluwag na.
Parating sinasabi ng kanyang ina na huwag na lamang pansinin si Ogor dahil ito ay basagulero talaga sa kanilang lugar. Laging tinatandaan ni Impeng ang sinabe ng kanyang ngunit hindi niyamatagalan ang panlalait nito sa kanya. Si Ogor ay hindi itinuring na kaibigan si Impeng. Siya ang malakas na agwador sa kanilang lugar. Di nagtagal ay tinanggap niya na lamang dahil yun naman talaga ang totoo.
Pagkadating sa niya sa may gripo ay agad siyang pumila. Sa paglipas ng oras, ay nakaipob na agad siya ng sisenta sentimos at may isa pang nagpapa igib sa kaniya. Kahit naiinitan siya ay hindi nalang siya sumilong sapagkat sina Ogor at iba pa nitong kasama. Nang si Ogor naman ang iigib ay biglang siyang sumingit, dahilan iyan upang umuwi na lamang ngunit bigla siyang pinatid nito. Dahil dyan ay dumugo ang pisngi ni Impeng.
Pagkatapos ay sinipa siya at gumulong siya sa mgabalde.Nagtawanan ang mga tao.Sinipa ulit siya at sa akmang sisipa ay kinagat niImpeng ang paa kaya’t pumailalim si Ogor at si Impeng ang nasa ibabaw. Pinaulanan niya ito ng mga suntok dahilan upang humina atsumuko.Tumayo at tinignan ang mga tao, ang mga ito ay nahihiya na sa kanya. Dahil dito ay natuklasan niya ang kakaibang lakas na taglay at nadama ang tibay, katatagan at kapangyarihan. Sa gitna ng sikat ng araw, siya’y naging sugatang mandirigma na ang tangning hiling ay ang kapayapaan kahit na siya ay iba sa lahat.