Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa Plop! Click! ni dobu Kachiiri. Tara na at sabay sabay tayong mnatuto.
Mga tauhan: Koto, Kikuichi at isang nagdaraan
Koto: Isa akong koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si kukuichi para kunsultahin siya. Nariyan ba si kukuichi?
Kikuichi: Nariyan na!
Koto: Nasaan ka?
Kikuichi: Heto na ako.
Koto: May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong hindi nakakalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko.Gusto kong magbiyahe at nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo?
Kikuichi: Sa totoo lang, iminumungkahi ko nga sana sa iyo, ekselenteng ideya.
Koto: Ano pang hinihintay natin kung ganun. Maghanda ka ng sake.
Kikuichi: nakahanda na ako
Koto: Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang paris natin nanamamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Peroang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.
Kikuichi: Wala naman sa palagay kong mag-iisip napara tayong gago. Kaya, kapag naramdaman monggusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo, amo.
Koto: Nasa labas na tayo ngayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito
Kikuichi: Nasa gitna nga tayo ng bukirin.
Koto: kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawakang aking puso at gumagaan ang pakiramdam ko.
Kikuichi: Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe.
Koto: Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kwento. Bakit di mo ensayuhin ang LABANAN SA HEIKE, ang pamosong epiko?
Kikuichi: Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol dyan. Masuerte na lang at ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akiniyan, tatanawin kong utang na loob.
Kooto: Ituturo ko kung ganun. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang berso.
Kikuichi: Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.
Koto: “Umabot sa krisis ang lambanan sa Ichi noTAni, at nauwi sa isang malaking giyera. Natalo angmga dakilang Heike, at nagsisugod ang mgamandirigma ng Genji—silang sabik sa kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mgaarmas-pandigma. Kalunos-lunos na pagdanak ngdugo! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang babang ilan, at ang iba nama‟y pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakansa duguang baba, ang sugatang baba sa duguang talampakan. Ay, kahabag-habag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!. . . .
Kikuichi: Kagila-gilalas palang talaga ang epikong„yan. Nagagalak akong marinig.
Koto: Halika‟t pumunta tayo doon sa malayu-layo.Sumunod ka sa akin.
Kikuichi: Sige lang, susunod ako.Koto: Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti.
Kikuichi: Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kongtuturuan mo akong muli.
Koto: Sakali‟t maitalaga ako sa posisyon ng “Kengyo”,gagawin kitang isang “koto”
Kikuichi: Napakabuti mo ngang talaga.
Koto: Ano „yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig.Siguro‟y malapit tayo sa dagat.
Kikuichi: oo nga, pakiramdam ko‟y dagat nga iyon.
Koto: Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat natinggawin?
Kikuichi: Ano nga bang dapat nating gawin?
Nagdaraan: (Sa mga manonood) Dito lang akonakatira. Dahil may lalakarin ako sa kabilang bundok,kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko?Dalawang bulag ang nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa iyon? Titigil muna ako rito at panoorin sila pansumandali.
Koto: Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat.
Kikuichi: Sige, ayan, naghagis na ako. PLOP!
Koto: Malalim doon.
Kikuichi: Malalim na malalim doon.Koto: Subukan mo sa ibang direksyon.
Kikuichi: Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK!
Koto: Mababaw doon.
Kikuichi: Mukha ngang mababaw doon.Koto: Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot.Halika na!
Kikuichi: Pero amo, teka muna sandali.
Koto: bakit?
Kikuichi: Bubuhatin ko na kayo sa likod ko.Koto: Naku! Hindi na kailangan. Basta sumunod ka saakin.
Kikuichi: Pero kaya nga ako narito para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng aking kaluluwa.Hayaan niyo ng buhatin ko kayo.
Koto: Hindi, huwag na, dahil hindi ka rin nakakakita baka maaksidente pa tayo. Maghawakan na lang tayosa isa‟t isa saka lumakad ng painut-inot.
Kikuichi: Pero ito ang pagkakataon ko paramakatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko kayo saaking likuran.
Koto: O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo.
Kikuichi: Salamat, nakahanda na ako.
Nagdaraan: Mautak ang mga bulag na iyon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat patawid sa dagat. (Papatong siya sa likod ni Kikuichi).
Kikuichi: Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut-inot sa dagat. Sana naman hindi masyadong malalim. Ayan, nakarating na ako sakabila. Nagawa ko na ito nang walang kahirap-hirap,at natutuwa ako‟t wala ring disgrasya.
Nagdaraan: (Sa mga manonood). Hindi ko inaasahanang swerteng ito. Tuwang tuwa ako.
Koto: Ano kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito maintindihan. Ki-kui-chi! Na-sa-an ka!!!!?
Kikuichi: Na-ri-to a-ko!!
Koto: Bakit di mo pa ako buhatin patawid?Kikuichi: Pero kabubuhat ko lang sa inyo!!!!
Koto: kabubuhat mo lang sa akin? Pero naghahandapa lang ako. Hindi mo pa ako nabubuhat. Ang hayop na „yon mag-isa palang tumawid.
Kikuichi: (Magmamadaling tumawid sa pinanggalingan) Kailan kayo tumawid na muli rito amo?
Koto: Kailan? Aba‟t walang-hiya tong taong ito.Umaayaw na yata. Madali ka‟t buhatin mo na akoagad.
Kikuichi: Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid nalang ako uli. Kumapit na kayo sa likod ko.Koto: Huwag kang magalaw.
Kikuichi: Lalakad na ako nang painot-inot. Mukhang napakalalim dito.
Koto: Basta mag-ingat ka at huwag kang masyadong magalaw.
Kikuichi: Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku!Tulungan ninyo ako saklolo!!
Nagdaraan: Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag!
Koto: Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba tumanggi na akong pabuhat sa‟yo noong una pa.
Kikuichi: Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyuin ko kayo.Talaga namang nag-iingat ako, pero natalisod ako.Patawarin ninyo ako.
Koto: Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May nangyari ba sasake?
Kikuichi: Anong sabi nyo? Ah, ang bote ng Sake. Heto, hindi nadisgrasya.
Koto: giniginawa na ako. Tagayan mo ako.
Kikuichi: Sige po.
Nagdaraan: Aba‟y may isa pa pala akong suwerte. Akong iinom noon.
Kikuichi: Nagtatagay na po ako. Glug, glug.
Koto: Tama na „yan. Mawawala rin ang ginaw ko pagnainom ko na ito.
Kikuichi: Sigurado, amo.
Nagdaraan: (Sa mga manonood). Ang sarap nito!Koto: Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan?
Kikuichi: Pero katatagay ko lang po‟t ibinigay ko sa inyo.
Koto: iyon din ang akala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko.
Kikuichi: Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako heto, pupunuin ko na ang baso.
Koto: sige bilisan mo.
Kikuichi: Eto na, glug, glug.
Nagdaraan: (sa mga manonood). Aba‟y may kasunod pa! walang kasing sarap ang sakeng ito!
Koto: Tama „yan, uminom ka rin ng kaunti.
Kikuichi: Pwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo.Napakasarap ng sake di po ba?
Koto: o, bakit hindi mo pa ako tinatagayan?
Kikuichi: Pero katatagay ko lang po ng isang punong baso para sa inyo.
Koto: Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rinang baso ko. Kamuhi-muhi kang tarantado ka. Ni isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mong pag-inom.
Kikuichi: Naku! Hindi ganyan magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang hindi inuuna ang amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin.Nakadalawa na po kayong tagay.
Koto: Aba‟t talga bang ginagalit mo ako? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ako at pinalalabas na iniinom ko ang tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan moako ulit.
Kikuichi: Gusto ko pa sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira.
Koto: Ano? Ni isang patak wala nang natira?
Nagdaraan: (sa mga manonood). Talagang nakakaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang! Bang!
Koto: Aray! Aray ko! Aba‟t sobra na ito. Matapos mo akong agawan ng inumin, ngayon naman ay maygana ka pang bugbugin ako.
Kikuichi: Anong sinabi ninyo? Bugbugin?
Koto: Sinaktan mo na ako, ulol!
Kikuichi: Itinabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksyon ninyo ang kamay ko
Koto: A, hindi pala? At sino ang mananakit sa akin,aber? Sino, sabi?
Kikuichi: Aray, aray ko po! Inaakusahan n‟yo na nga po ako ng kung anu-anong hindi ko naman ginawa,ngayon naman sinasaktan n‟yo pa ako. Bakit binubugbog ninyo ang isang walang kasalanang katulad ko?
Koto: Aba‟t hindi nga nakatutok sa iyo ang kamay ko.
Kikuichi: Hindi nakatutok? Sinong nanakit sa akin?Magasalita kayo, sino pa?
Koto: Aray! Aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo baako sinasaktan?
Kikuichi: Nasa binti ko ang mga kamay ko.
Koto: nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin?
Kikuichi: Aray! Tama na! huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko, amo.
Koto: Anong abusuhin?
Kikuichi: Ano pa nga bang ginagawa ninyo
?Koto: Ni hindi nga dumadapo ang kamay ko sa iyo.
Kikuichi: Di dumadapo? Kung gayo‟y sinong nanuntok sa akin?
Koto: Aray! Ano ka ba?
Kikuichi: Aray ko po, tama na!
Nagdaraan: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa iba‟t ibang pakana. Pero teka, Aba‟t tinutuluyan nanilang magsuntukan. Delikado pa ang manatili pa rito.Kailangang makaalis na ako rito habang may arawpa.Koto: Nauubos ng pasensya ko. Hindi kita patatakasinlintik ka!
Kikuichi: Bakit ako sinasaktan?Silang Dalawa: Araaaayyyyy. . .. .!!!!
Kikuichi: Ikinahihiya ko kayo amo. Hawak ko na kayongayon. Nagpapanggap lang pala kayong mabait.Santo-santito!
Koto: Huwag! Sandali lang! matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang ibang tao rito? Hulihin ninyo siya. Hulihin ninyo! Huwag n‟yo siyang patatakasin!