Ating alamin ang tungkol sa kwintas ni Guy de Maupassant. Tara at sabay sabay tayong matuto.
Isa si Matilde sa mga babaing biniyayaan ng pambihirang kariktan na sa minsang pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa isang abang pamilya. Wala siyang ibang kayamanan, at walang inaasahan. Wala ring paraan upang makilala siya, maunawaan, mahalin at pakasalan ng kahit na sinong mayaman at kilalang tao. Itoy taliwas sa pangarap niya at hinahangad sa kanyang buhay… at pinayagan niya ang sariling mapakasal sa isang karaniwang empleyado lamang ng isang Instruksyong Pampubliko.
Simple lamang ang kanyang pananamit dahil mairap lamang sila at itoy labis niyang ikinalulungkot pagkat dama niyang lalo siyang bumababa sa dapat niyang kalagyan. Nagdurusa siya nang walang katapusan pagkat nadaraama niyang ang katulad niya ay nababaagay lamang sa luho at karangyaan. Nagdurusa rin siya sa kaliitan ng kanilang tahanan, sa sira-sirang dinding, salumang upuan at sa kupas na kurtina. Lahat ng itoy nagpapahirap at nagpapapangit san g kanyang kalooban. Ang tanawin ng isang maliit na nakapagpatindi sa kanyang pagsisisi dahil sa mga pangarap na hindi nagkaroon ngkaganapan.
Kapagdakay sumagi sa kanyang isipan ang larawan ng karangyaan. Isang silid na napapalamutian ng mamahaling kagamitan na tinatanuran ng dalawang naka unipormeng lalaki, isang marangyang silid na sadya lamang para sa malalapit na kaibigan na nabibilang sa mataas na lipunan, at mga tanyag at makikisig na mga binata na ninanais makamit ng mga kababaihan ang tanging makakadaupag-palad niya.
Sa oras ng hapunan, habang inaalis ng kanyang asawa ang takip ng ulam nila at pagdakay sinabi nitong wala nang sasarap sa pagkain nilang iyon, ang isipan naman ni Matilde ay lumilipad , nagiisip na naman na nasa harapan siya ng mga masasarap na pagkain na nakalagay sa mga mamahaling kasangkapan, at habangsiyay kumakain ay humuhuni naman ang magigiting na binata. Wala siyang magagandang damit, walang alahas, walang lahat. Kung bakit naman iyon pa ang pinakamimithi niya sa kanyang buhay. Ninanais niya na siyay kagiliwan, kaiingitan, habulin, at sambahin. Mayroon siyang kaibigan, isang dating kamag-aral sa kumbento, mayaman iyon subalit ayaw na niya itong Makita sapagkat nagdusa na siya nang labis nang ito ay bumalik.
Isang gabi, masayang dumating ang kabiyak ni Matilde na si Loisel. Maydala itong sobre at itoy masayang iniabot sa kanya. Binasa iyon ni Matilde at nakasaad doon na silang mag-asaway iniimbitahan na dumalo sa Ministre na pinaglilingkuran ng lalaki. Ngunit taliwas sa inaasahan ng asawa na magiging Masaya ang babae, bigla na lamang nitong itinapon ang imbitasyon sa lamesa.
Pagkatapos, inis na itinanong sa asawa kung anong gagawin niya roon. “ ngunitmahal” sabi ng kabiyak, akala koy matutuwa ka. Hindi ka pa lumalabas at itoy bihirang pagkakataon. Nagkandahirap ako upang makakuha ng niyan. Lahat ay gustong pumunta, piling-pili lamang ang panauhin at hindi lahat ng empleyado ay binigyan ng imbitasyon. Lahat lamang ng mga opisyal ang pupunta”
Tiningnan ni matilde nang may pagkakainis ang asawa at pagkatapos ay tinanong ito kung ano ang isusuot niya sa pagtitipong iyon. Nagiisip ang asawa atsinabing iyong damit na isinuot niya nang manood sila sa teatro ay maganda at puwedeng iyon ang isuot niya. Pagdaka’y tumigil ang lalaki sa pagsasalita sapagkat niyang umiiyak ang kanyang asawa.
“Anon’g nangyayari sa iyo?” tanong ng asawa ka Matilde. Sumagot siMatilde, “Wala. Kaya lang, wala akong damit kaya hindi ako makadalo sapagtitipong iyon. Mabuti pa’y ibigay mo na lang ang imbitasyon sa iba mong kasamahan na may mga asawang maraming kagamitan sa sarili.”Napayuko ang lalaki pagkatapos ay sinabi ang ganito sa asawa, “Halika,Matilde. Magkano ang magagastos mo sa damit na iyong isusuot sa okasyon?”
Nag-isip si Matilde at kinalkula ang magagastos niya na hindi maaaring tanggihan ng kanyang asawa.
“Hindi ko alam ang eksaktong halaga subalit, ang apat na raang francs ay husto na,” sabi ni Matilde. Namutla nang bahagya ang lalaki pagkat ang naturang halaga ay gagamitin sana nito sa pagbili ng baril na magagamit nito sa pamamaril kasama ang ilan niyang kaibigan pagdating ng tag-init.“Sige, bibigyan kita ng halagang kailangan mo. Siguruhin mo lang namakabibili ka ng magandang damit,” sabi ng kabiyak ni Matilde.
Habang papalapit ang pagtitipon, si Matilde ay tila malungkot, hindi mapalagay, at nag-alala. Handa na ang kanyang damit. Isang gabi ay kinausap siyang ,muli ng kanyang asawa.” Ano na naman ba ang problema? Napapansin ko na kakaiba ang ikinikilos mo nitong mga huling araw.”At siya’y sinagot ng babae. “Naiinis ako sapagkat wala man lang ako kahit isang alahas, walang mamahaling bato, wala kahit isa. Mabuti pa huwag na lang akong pumunta roon.”
“Pwede ka naming maglagay ng sariwang bulaklak. Sa kaunting halaga ay pwede kang makabili ng tatlong magagandang rosas.”Ngunit hindi kumbinsido si Matilde sa ideya ng asawa.“Hindi, wala nang hihigit pang kahihiyan sa magmukha kang kawawa at mahirap sa harap ng mga babaing mayayaman.”
Sumigaw ang asawa.“Napakatanga mo naman! Hanapin mo ang kaibigan mong si Gng. Forestierat hilingin mong pahiramin ka ng ilang alahas.”Pagkatapos ay napaiyak si Matilde, “Oo nga. Hindi ko naisip iyon.” Nangsumunod na araw, pumunta siya sa kaniyang kaibigan at sinabi ang kanyang malungkot na kalagayan.
Kinuha ni Gng. Forestier ang isang malaking kahon na naglalaman ng mga mamahaling alahas at sinabi kay Matilde na pumili na siya. Ipinakita sa kaniya ang mga mamahaling alahas, mga hiyas at baton a kapuri-puriang pagkakagawa. Isinuot niya ang mga iyon subalit parang hindi pa rin siya kuntento. Pagkatapos, tinanong niya ang kaharap kung mayroon pang ibang alahas ito. Ipinakita ng babae ang iba pang alahas at natuklasan ni Matilde ang pagkaganda- gandang kuwintas na diamante at iyon ay nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso.
Naroon ang matinding pagnanais. Nangangatal ang kanyang mga kamay nang kunin ito. Isinuot iyon sa kanyang leeg at hindi makapaniwala si Matilde na nakikitang anyo sa salamin. Tinanong niya ang kaibigan “pwede ko,bang ipahiram sa akin ito, ito lang?”
“oo, bakit hindi?”
Niyakap niya ang kaibigan at hinalikan , pagkatapos ay umalis na dala ang alahas. Dumating ang araw ng pagtitipon. Nagtagumpay si Matilde. Pinakamaganda siya, elegante, kagalang-galang, parating naka-ngiti at tuwang-tuwa. Lahat ng lalaki ay nakatingin sa kanya at bawat isa ay nagnanais na makilala siya at kahit na ang pinakamataas pang opisyal ay gusto siyang makasayaw. Nilunod niya ang sarili sa kaligayahan . nagsayaw, nakipag inuman, at pansamantalang kinalimutanang anumang suliranin na bumaabalot sa kanyang katauhan. Umalis si Matilde nang alas-kwarton nang umaga sa kasayahang iyon. Ang kanyang asawa ay nakatulog na kasama ang iba pang lalaki na ang mga asawa ay nagsisipagdiwang pa.
Binalabalan si Matilde ng asawa, isang mumurahing balabal, ngunit tinanggihan nito ito sapagkat alangan ito sa kanyang mamahaling damit. Nagala-ala siya na baka Makita ng ibang babae na may mamahaling balabal.Umalis si Matilde at hinabol siya ng asawa. Hindi sila nakakita ng masasakyan. Mayamaya , may nakita silang sasakyan na nararapaat lamang sa mga mahihirap. Nakarating sila sa kanilang tahanan at para kay, Matilde tapos na ang isang magandang pangarap sapagkat balik na naman siya sa dati. Muli ay humarap siya sa salamin upang masdang muli ang kagandahang hinangaan ng marami. Subalit laking gulat niya sapagkat wala ang kwintas sa kanyaang leeg.
Nilapitan siya ng kanyang asawa at tinanong kung ano ang nangyari sa kanya. “naiwala ko ang kuwintas”.
Tumayo ang asawa “ano? Paano? Imposible!” pagkatapos ay nagsimulasilang maghanap, sa bulsa ng kanyaang damit , kung saan-saan . hindi nila iyon nakita.
Tinanong siya nang lalaki,” sigurado ka ban a nang umalis tayo ay suot mopa ang kuwintas ?”“oo, naramdaman ko pang suot ko iyon habang nasa kasayahan”. “ kung nawala mo iyon sa kalsada, maririnig natin ang tunog noon nang malaglag. Maari. Naiwan mo iyon sa taksi.”
“ oo nga siguro. Nakuha mo ba ang numero ng taksi?”.
“ hindi, e. at hindi mo rin napansin iyon ?”. hindi
Nagkatinginan ang mag asawa. Litong lito pagkuway nagbihis muli si Loisel.Pupuntahan niyang lahat ang lugar na pinanggalingan nila at haahanapin angkuwintas. Bumalik ang aswa ni Matilde nang ikapito ng gabi. Ngunit hindi niyanatagpuan ang kuwintas. Pumunta siya sa himpilan ng pulisya, sa mga palimbaganng dyaryo upang mag-alok ng gantimpala sa sinumang makakakuha nito. Subalitbigo pa ring umuwi ag lalaki. Sinabi nit okay Matilde na sulatan ang kaibiganupang sabihin na may nasira sa kuwintas kung kayat hindi pa maisasauli.Pagkaraan ng isang linggo ay nawalan na sila ng pag-asa at si Loisel ay tilatumanda ng limang taon dahil sa laki ng problema. Napagkasunduan nilangkailangang palitan ang nawalang alahas. Nagpunta sila sa ibat-ibang tindahan ngalahas at naghanap ng katulad na katulad ng nawalang kuwintas. May natagpuannaman sila at itoy nagkakahalaga ng apatnapung libong francs ngunit makukuhanila ng tatlumput anim na libong francs.
Si Loisel ay may labing walong libong francs na minana sa kanyang ama atang ibay hihiramin na lamang nila. Lahat na lamang ng mauutangan ay nilapitan ni
Loisel maging itoy mga ususerong nagpapatubo sa masyadong malaking inters,mabayaran lamang ang kuwintas.Matapos makaipon ng malaking halaga ay binayaran nila ang kuwintas atisinauli kay Gng. Forestier. Hindi nila sinabi ang mga pangyayari sapagkatnangangambang baka sila mapagbintangang magananakaw.Upang makabaayad sa pagkakautang, pinaalis nila ang mga katulong atlumipat ng tirahan. Ngayon naranasan ni Matilde ang mabibigat na mga gawaingbahay tulad ng pangangalaga ng kusina. Nagliligpit siya ng mga plato, naglalabaumiigib ng tubig at namamalengke.Bawat buwan, kailangan nilang magbayad ng iba nilang utang.
Ang aswa naman ni Matilde ay dobleng sipag din sa trabaho ang ginawa.Ganito ng ganito ang kanilang naging pamumuhay. Pagkatapos ng sampung taon,nabayaran nilang lahat ang kanilang mga pagkakautang pati na ang mga ipinatawna interes dito. Tumanda ang anyo ni Matilde.