Ang Epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.
Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma.
Ang salitang Epiko ay nagmula sa salitang Griyego “epos” na ang salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tunutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay.
Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao.Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa suliranin, lalong magaling kung ganap ang pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin ,dahil ito’y lalong makakapagbigay-buhay sa layunin ng tula.
Epiko ni Gilgamesh
■ Epiko mula sa Mesopotamia
■ Kilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan
ANG KASAYSAYAN NI GILGAMESH
■ Nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay “BILGAMESH”(salitang Sumerian para sa ‘GILGAMESH’)
■ Hari ng Uruk
■ Mula sa magkakahiwalay na na kwentong ito ay nabuo ang isang epiko.
■ Ang kauna-unahang buhay na bersyon nito,kilala bilang “Old Babylonian” na bersyon, ay noong ika-18 siglo BC at pinamagatan mula sa kaniyang incipit(unang salita ng manuskrito na ginagamit bilang pamagat) , Shūtur eli sharrī ( Surpassing All Other Kings).
■ Ang huling bersyon ay nasulat noong ika-13 hanggang ika-10 siglo BC .
■ Tinatayang dalawang katlong bahagi ng labindalawang tablet na bersyon ang nakuha.
AYON KAY JOSHUA J. MARK
■ Ang Mesopotamia (mula sa salitang Griyego na nangangahulugang ‘sa pagitan ng dalawang ilog’) ay sinaunang rehiyon sa silangang Mediterranean, sa hilagang-silangan nito ay ang bundok ng zagros at timog- silangan ay ang Talampas ng Arabia, sa kasalukuyan ang kalakhan bahagi nito ay ang Iraq samantalang ang ilang bahagi naman ay Iran, Syria, at Turkey .
■ Ang ‘dalawang ilog’ na tinutuloy ng pangalan nito ay ang Ilog Tigris at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang ‘Al- Jazirah’(ang isla) ayon sa Egyptologist na si J.H Breasted na sa kalaunan ay tinatawag na Fertile Crescent kung saan nagmula ang sibilisasyon ng Mesopotamia.
Kasaysayan ng Epiko
■ Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak kung may manunulat noong Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh.
■ Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 bc.Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Iliad and Odessey. Makikita sa sulat ni Homer ang porma ng isang epiko.Ang halimbawang uri ng mga tauhan, ang banghay , ang mga talinhaga, at iba pa. Ito’y nagiging inspirasyon ng iba pang kilalang manunulat . Samantala, kilala bilang manunulat ng epiko sina Hesiod, Apollonius,Ovid,Lucan, at Statius.
■ Dactylic hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko. Karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan , mga pagtutulad at talumpati. Kabilang din dito ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika.
■ Si Virgil ( 70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng Emperyong Romano. Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni Homer na umalis sa Troy at nagtungo sa Ilaty upang hanapin ang Rome .
■ Sa Italy ay hindi lamang may Virgil , mayroon ring Dante ang kilalang epiko nito ay ang The Devine Comedy (dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ika-19 na siglo) . Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon.
■ Isa sa mga epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid na sinulat noong 1207 ni Per Abbat . Ito ay kwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar na nabuhay noong panahon ng Norman Invasion. (pagtatapos ng Old English period.)
■ Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang Chanson de Roland . Ito ay kuwento ni Charlemagne at ang pag atake sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. Ang tula ay maaaring isinulat ni Turold noong 1090.
■ Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad, ikalabinsyam na siglong bersiyon ng Gospels sa Lumang Saxon,at ang The Nibelungenlid. Ang huli ay kuwento ni Seigfried , Brunhild,Dietrich,Gunther,Hagen, at Attila the Hun. Ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensya sa literaturang German.
■ Ang literaturang Ingles ay nagsimula sa Beowolf.
■ Marami sa mga kwento ng pag-iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko,subalit hindi mauuring epiko.
■ Ang Piers Plowman ay mahaba ngunit hindi isang epiko.
■ Si Chaucer ay nagsulat ng epikong Troilus & Criseyde.
■ Sa Pilipinas ay may tinatayang umabot sa 28 ang kilalang epiko.
■ Karamihan sa epiko ay mtatagpuan sa Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano.
■ Ang epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala,kaugalian at mabubuting aral ng mamayanan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos at Tuwaang ng mga Bagobo at marami pang iba.