Ang suring-basa ay isang maikling pagsusuri sa isang literetura. Naglalaman ito ng sariling reaksyon, opinyon, pahayag o kuro-kuro para sa isang kwento o anumang uri ng literatura. Layunin nitong pakita ang pangunahing ideya ng isang akda. Pinakikita din dito ang kahalagahan ng akda. Kailangang gumawa ng sinopsis o maikling lagom para madaling maisagawa ang pagsuri.
Sa ingles, ito ay tinatawag na Book review.
Mga Bahagi ng Suring-Basa
Ito ang mga bahagi ng suring-basa:
- Panimula – naglalaman ng uri ng panitikang ginamit sa akda
- Pagsusuring Pangnilalaman – ang bahagi kung saan makikita ang tema o paksa ng akda.
- Pagsusuring Pangkaisipan – napapaloob ang mga kaisipan o ideyang gaglay ng akda.
- Buod – ang huling bahagi kung saan idinidiin ang mahahalagang punto.
Iba Pang mga Uri ng Pagsusuri
Ito ang ilan pang uri ng pagsusuri maliban sa suring-basa:
- Suring-pelikula
- Suring-aklat