Sa araw na ito ay ating alamin ang pabula na pinakamagatang “Ang Hatol Ng Kuneho”. Tara na at sabay-sabay tayong matuto.
Ang Hatol Ng Kuneho
Salin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigrengnaghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siyasa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon, subalitsiya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalitwalang nakarinig sa kanya.Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ngtulong hanggang mapaos.
Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasayna lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-anoay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.“Tulong!Tulong!” muli niyang isinigaw.
“Ah! isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay.
“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre.
“Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”
Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad!
Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay”, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.
“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kangmag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako.
Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!”
Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upangtulungan ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “
Gumapang ka dito,” sabi ng lalaki.
Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigreang lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
“Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.
“Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre.
“Sandali! Sandali!” ang pakiusap ng lalaki. “
Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.”
“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.”
Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino.
“ Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kamisa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mgakasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan. Utang na loob!Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre.
Sige pawiin mo ang iyong gutom.”
“O, anong masasabi mo doon?” tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki.
Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.”
Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ngdalawa ang opinyon ng baka.
“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigatnilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano angginagawa nila kapag kami ay tumanda na… pinapatay kami at ginagawang pagkain!Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwagmo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”
“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa
iyong kamatayan!” wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki.
Alam na ng lalaki na ito na nga ang kaniyang katapusan. Nang biglangdumating ang lumulukso-luksong kuneho.
“Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki.
“Ano na naman!” singhal ng tigre.
“Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.”
“Ah! Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at ng baka.”
“Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki.
“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho.Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga.Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanaya at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay.
Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapattayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituroninyo sa akin ang daan pa tungo doon,” wika ng kuneho.
Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas”, wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “ Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.” Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki,narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari naakong magbigay ng aking hatol.
Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay”, paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sakaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sainyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.