Sa araw na ito ating alamin ang tungkol sa kahon ni pandora. Tara na at sabay sabay tayong matuto.
Noong araw ay walang mga babae sa lupa. Ang naninirahan rito ay panay mga lalaki. Nabubuhay sila nang matiwasay. Sagana sila sa pagkain. Ang simoy ng hanging kanilang nilalanghap ay puno ng halimuyak ng mababangong bulaklak. Sa buong maghapon, wala silang ginagawa kundi magsaya, magpalakas at magpalusog ng katawan. Hindi nila nakikilala ang kalungkutan, ang sakit, ang uhaw at ang gutom.
Minsan sa pagpupulong ng mga diyos sa Bundok ng Olimpo ay nagkaisasilang padalhan ng kaparusahan ang mga lalaki sa pamamagitan ng isang babae. Hiniling nila sa diyos na manlililok na si Hepestus na humubog ng isang babae. Sumunod naman ang nahilingan. Ubod ng ganda ang babaeng kanyang hinubog. Humanga ang lahat ng diyos. Inialay nila sa bagong likhang babae ang lahat ng kahanga-hangang handog. Ibinigay sa kanya ni Apollo ang kahusayang umawit. Ibinigay sa kanya ni Hermis ang kapangyarihang mang-akit at mang-udyok. Ginawa siyang kaibig-ibig ni Aprodayte. Tinawag siyang Pandora na ang ibig sabihin ay “kabuuan ng mgakahanga-hangang handog ng lahat ng diyos.”
Si Hermes ang nahirang na maghatid kay Pandora sa lupa. Inihatid niya si Pandora kay Epimitiyus na kapatid ni Prometiyus. Isang mahiwagang kahon na ang laman ay di batid ng dalaga ang ipinabaon sa kanya.
Malugod na tinanggap ni Epimitiyus si Pandora. Noon lamang siya nakakitang isang kahanga-hangang dilag na pinagtipunan na yata ng lahat ngkatangian sa daigdig. Ipinagdiwang ng kanyang mga kaibigan angpagkakaroon niya ng magandang kapalaran. Noon, hindi pa kilala ng mgalalaki ang inggit at panibugho.
Sa ganang kay Epimitiyus at sa kanyang mga kaibigan, ay matamis pa saawit ng mga ibon ang awit ni Pandora. Kinagawian na nilang magtipun-tipon tuwing dapithapon upang pakinggan ang magagandang alamat na sadyang nilikha ni Pandora para awitin sa kanila.
Marami ding pananhong nagging maligaya si Pandora sa piling ni Epimitiyus. Para sa kanya ay bago at maganda ang daigdig. Araw-araw, maraming mga bagay siyang natutuhan. Natalos niya ang hiwaga ng apoy. Nabatid niya ang ukol sa kahanga-hangang init ng araw at ang tungkol sa kataka-takang lamig ng gabi. Natikman niya ang iba’t -ibang lasa ng masasarap nabungangkahoy. Gayunman, sa kanyang isipan ay may isang bagay naumuukilkil, isang alalahaning nagdudulot ng ligalig sa kanyang kalooban at nagtatangkang gumiba sa lahat ng kaligayahang kanyang tinatamasa.
Ito’y ang nauukol sa kahon na kasama niya nang siya’y ihatid ni Hermis sa lupa. Mahigpit ang bilin ni Hermis na ang kahon ay huwag niyang bubuksan. Sapalagay ni Pandora, ang pagkaalam sa laman ng kahon ang tanging kulang upang masabi niyang nababatid niya ang ukol sa lahat ng bagay sa daigdig. Lumalakad ang araw ay sumisidhi ang kanyang pagnanasang mabatid ang nasa loob ng kahon. Gayon na lamang ang kanyang pananabik.
“Marahil,” ang naisip ni Pandora,“may mga kaakit-akit na bagay sa loob ngkahon na makapagdudulot sa aki ng ibayong kagandahan. Gaya halimbawang busilak na kasuotan ni Hira o kaya’y ng ginintuang mga hiyas ni Aprodayte.”
Naging palaisip si Pandora. Araw-araw ay binubuhay niya kung ano ang laman ng kahon. Bihira na siyang mangiti. Noon naramdaman ni Epimitiyusang unang kalungkutan. Nalulungkot siya kapag walang kibo si Pandora. Sawakas, ipinagtapat sa kanya ng babae ang suliraning gumugulo sa kanyangisip. Hiniling niyang buksan ni Epimitiyus ang kahon. Natakot si Epimitiyus.
“Buksan ang kahon! Gawin ang isang bagay na ipinagbabawal ng mga diyos?” ang kanyang bulalas. “Hindi ko magagawa iyan. Habang tayo’y nabubuhay, mananatiling nakapinid ang kahon sa loob ng ating tahanan. Hindi ko iyan mapangangahasang buksan kailanman.” Umalis si Epimitiyus at nagtungo sa piling ng kanyang mga kaibigan. Naiwang natitigilan si Pandora sa tabi ng kahon.
Nang sumunod na mga araw, pinigilan ni Pandora ang kanyang nasang mabuksan ang kahon. Ngunit isang araw ay umalis si Epimittiyus. Naiwang nag-iisa sa bahay ang babae. Nanaig sa kanya ang hangaring matalos ang laman ng kahon. Kinuha niya ang susi at binuksan iyon. Walang magandang bagay ang laman ng kahon. Isang langkay nahumuhugong na mga putakte ang naglabasan at dumuro sa kanya. Ang mgaputakteng yao’y ang tagapaghatid ng iba’t ibang uri ng sakit na tulad ng lagnat, kolera, rayuma at iba pa. Ang iba sa kanila’y kinatawan ng maiitim na damdaming tulad ng inggit, panibugho, sama ng loob at masasamang kaisipan.
Ang mga putakte’y naglagusan sa mga bintana at mga pintuan ng bahay. Lumipad sila hanggang alapaap at dahil sa dami ay nangulimlim tuloy ang araw. Sina Epimitiyus at ang kanyang mga kaibigan ay naglibang noon sa may di kalayuan sa tahanan. Narinig nila ang nangangalit na hugong ng mga sakit, salot at maiitim na damdamin.
Dinuro sila ng mga kulisap at noon di’y nagkagulo sila. Nagpalitan sila nangmasasakit na salita. Ang magkakaibiga’y nagging magkakagalit. Sa mukhang bawat isa’y nabadha ang bangis at ngitngit. Naglaho ang panahon ng kawalang malay.
Samantala, si Pandora ay nanlalambot sa tahanan. Naisara na niya ang takipng kahon, ngunit totoong huli na! Lahat ng nakakulong roon, maliban saisang kulisap, ay nakakawala at nagsasabog na ng pinsala sa lupa. Hugong nang hugong ang kulisap na naiwan sa loob ng kahon. Narinig ni Pandoraang maliit na tinig na nagsasabi: “palayain mo ako! Palabasin mo ako “Hindi” ang sabi ni Pandora,“hindi kita palalabasin. Mamalagi ka riyan!”
Walang tigil ang paghugong at pagkatok ng maliit na kulisap sa loob ngkahon. Sa wakas, napilitan rin si Pandorang buksan ang kahon. Isangmagandang kulisap na may busilak na bagwis ang lumabas sa kahon.Ikinampay ang kanyang mga pakpak na waring nasisiyahan sa liwanag.
“Ako ang Pag-asa! Ako ang Pag-asa!” ang awit niya.
Sa wari ni Pandora ay lalong gumanda ang daigdig dahil sa awit na yaon.Lumabas sa tahanan ang kulisap. Nagtungo sa pook na pinag-aawayan ninaEpimitiyus at ng kanyang mga kaibigan. Sa kanyang pagdating ay natigilang awayan. Nanumbalik ang kapayapaan, ngunit hindi na ang datingkapayapaan ng may malilinis na budhi. Gayunman, habang may pag-asa sadaigdig, ay nauunawaan ng mga lalaking nakalasap ng unang lungkot nawalang kaguluhang napakasama ang di pangingibabawan ng buti.