Bahagi ng Pangungusap: Simuno at Panaguri

Ano ang Pangungusap? Ang pangungusap ay isang salita o pangkat ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan.

Ito ay binubuo ng simuno o paksa at panaguri.

Simuno

Simuno o paksa

  • bahaging pinag-uusapan sa pangungusap
  • Maaaring payak o tambalan
  • Maaaring ito ay nasa unahan o hulihan ng pangungusap. Ang pangunahing salita na siyang paksa sa pangungusap ay tinatatawag na payak na simuno. Hindi kasama ang pananda tulad ng ang at si.

Halimbawa:

  1. Ang bayabas ay matigas
  2. Ang magsasaka ay nag-aani na ng palay.
  3. Sina ate at kuya ay mamamasyal sa inyo.
  4. Sila ay mabuting kaibigan.
  5. Ang mga mag-aaral ay nagbabasa ng libro.

Panaguri

Halimbawa:

  1. Kame ay nanonood ng telebisyon.
  2. Siya ay mabuting kaibigan at kapatid.
  3. Ang mga halaman ay dinidiligan ni Rose.
  4. Magaling at masipag si Glenda.
  5. Si Ginang Lorie ay nagtuturo.