– Sa paksang ito, tatalakayin natin ang ginagampanan ng Sambahayan sa ating ekonomiya. Tara na’t ating tuklasin at palawakin ang ating mga kaisipan ukol dito.
Ano nga ba ang bahaging ginagampanan ng Sambahayan?
Bahagi ng paikot na daloy o modelo ng ekonomiya ang sambahayan. Mayroon itong mahalagang ginagampanan sa ating ekonomiya. Ito ang ilan sa mga ginagampanan nito:
1. Ang sambahayan ay ang konsyumer ng mga produkto, serbisyo, at kalakal na nalilikha ng bahay-kalakal at mga produktong mula sa panlabas na sektor. Sila ang nagtatakda ng demand na kailangan bunuin ng bahay-kalakal.
2. Ang mga nasa sambahayan din ang nagbibigay ng salapi sa mga bahay-kalakal upang lumikha ng produkto. Ang mga ipinambibili nila ay siyang ginagamit na pera ng mga kompanya o bahay-kalakal.
3. Ang mga nasa sambahayan din ang suplayer ng mga kailangan sa produksiyon. Ang mga taon sa sambahayan ay nagtatrabaho sa mga bahay-kalakal upang makabuo ng produkto at kumita ng salapi.
Ilan lamang ito sa mga halimbawa ng mga bahaging ginagampanan ng Samabahayan upang mapabuti ang Ekonomiya ng ating bansa.