Ngayong araw na ito, ay ating aalamin ang liriko o lyrics ng Bahay Kubo. Ito ay isa sa mga sikat na Filipino Folk Songs na alam ng mga bata. Tara at sabay sabay natin itong kantahin.
Bahay Kubo Lyrics
Bahay-kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At tsaka mayro’n pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga
Bahay-kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At tsaka mayro’n pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga
Sa paligid-ligid ay puno ng linga
Ilan ang mga nabanggit na gulay sa kantang Bahay Kubo? Oh, wag kang sisilip sa lyrics ulit.
Narito ang iba pang mga Filipino Folk Songs:
- Leron Leron Sinta
- Paru-parong bukid