“No man is an island”. Iyan ang sikat na kasabihan kung saan sinasabing walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Kailangan natin ang isa’t isa at kailangan nating magtulungan. Bakit nga ba mahalaga ang pagtulong sa kapwa?
Ang pagtulong sa kapwa ay nagbibigay kasiyahan hindi lamang sa mga natulungan natin kundi pati sa ating sariling kasiyahan. Magkakaroon ang tao ng sense of accomplishment at contentment na tinatawag.
Sabi nga nila mas masaya ang dulot ng pagtulong na bokal sa puso at hindi ipinipilit. Ito rin ang magiging daan para maipakita natin sa mga natulungan natin na kapag naka-angat angat sila ay pwede rin nilang gawin yun sa kanilang kapwa. Sinasabing kalugod lugod sa Diyos ang ganung paraan ng pakikipagkapwa.
Maaaring makatulong sa kapwa sa mga simpleng Gawain. Hindi mo kailangan ng maraming pera para lang makatulong ka sa iba. Sa simpleng mga Kilos ay Malaki ang epekto nito sa ibang tao.
Halimbawa ng Pagtulong sa Kapwa
Maraming paraan ng pagtulong sa kapwa, at ang mga sumusunod ay ilan lamang rito:
- Pagtulong sa kapwa na mayroong bitbit na mabigat
- Paggabay sa mga matatanda sa kanilang paglalakad
- Pagtuturo at pagbabahagi ng mga kaalaman sa aralin sa kamag aral o sa mga kabataan
- Pagvolunteer sa mga organisasyon na tumutulong sa mga mahihirap
- Pagbibigay ng pagkain sa ating mga kababayan
Ang pagbibigay ng rasyon ng pagkain sa mga kababayan natin na walang hinihintay na kapalit bagkus mahikayat pa ang ibang tao na sumali sa pakikipagkapwa tao sa pamamagitan ng pagoorganisa ng sama-samang pagtutulungan upang makalikom ng mas maraming donasyon na pagkain, gamut, at pera na maipapamahagi sa mga naghihikahos nating mga kababayan.
Kung natatandaan nyo ang paguumpisa ng isa nating kababayan sa pamamahagi ng libreng pagkain sa kalye na kumalat sa buong bansa noong kasagsagan ng pandemya. Dahil sa ipinamalas na pagmamahal at pakikipagkapwa tao ay marami syang nahikayat na sumali sa ginawa nyang yun at buong Pilipinas ay nakiisa sa ibat-ibang bahagi ng kapuluan para magtayo ng libreng pagkukunan ng pangaraw-araw na pagkain at lahat ay naramdaman ang sarap at tamis ng pamimigay na bukal sa puso.
Ang pagtulong sa kapwa ay magdudulot din ng pagkakaisa sa bawat isa. At dahil sa pagkakaisa, ito ang magiging susi upang umunlad ang ating komunidad.
Yun ang mga magandang halimbawa kung bakit mahalaga ang pamimigay sa kapwa. Hindi lang ito dahil sa pakikipagkapwa tao kundi ito rin ay sumasalamin sa pagkatao ng bawat isa sa atin.
Magandang pagpapalaki at magandang asal na itinuro sa atin ng ating mga magulang na nagbunga ng magandang halimbawa ng pagmamahal sa kapwa.
Bayanihan – isang Pilipino na kaugalian na tinaguriang nasa kultura na natin. Na kahit anong mangyari, may sakuna man o mga delubyo sa kapaligiran ay napapakita pa rin natin ang kahalagahan ng pagtutulungan para maiahon ang isat-isa sa pamamagitan ng bayanihan.