Ating pag-uusapan ngayon ang tungkol sa talambuhay ni Emilio Aguinaldo. Tara at saba’y sabay tayong matuto.
Si Emilio Aguinaldo (Emilio Famy Aguinaldo, Sr) ay isang rebolusyonaryong Filipino, politiko, at isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas (1899-1901) at unang presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya. Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896- 1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa wakas ay laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901). Siya ay nahuli sa Palanan, Isabela ng pwersang Amerikano noong Marso 23, 1901, dahilan upang magtapos ang kanyang pagkapangulo.
Noong 1935, tumakbo si Aguinaldo sa pagkapangulo ng Philippine Commonwealth subalit siya ay natalo ni Manuel Quezon. Matapos sumalakay ang mga Hapones sa Pilipinas noong 1941, nakipagtulungan siya sa mga bagong pinuno at umapila pa sa radyo para sa pagsuko ng mga pwersa ng Amerikano at Pilipino sa Bataan. Siya ay naaresto bilang isang tagatulong ng mga Hapones matapos ang mga Amerikano ay bumalik ngunit sa kalaunan ay napalaya sa isang pangkalahatang amnestiya.
Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na Kawit, Cavite). Ang mga magulang niya na sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay. Ang kanyang ama ay ang inatasang gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na gobernador) sa administrasyon ng Espanyol kolonyal. Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan de Letran ngunit ay hindi niya nagawang tapusin ito dahil sa pagsiklab ng kolera noong 1882. Si Emilio ay naging “Cabeza de Barangay” ng Binakayan, isang punong baryo ng Cavite el Viejo noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging sapilitang kawal.
Noong 1895 ipinatupad ang Maura Law para sa bagong tatag na lokal na pamahalaan. Sa edad na 25, si Aguinaldo ay naging unang “gobernadorcillo capitan municipal” (Municipal Gobernador- Captain) ng Cavite el Viejo habang nasa business trip sa Mindoro.
Noong Enero 1, 1896, pinakasalan niya si Hilaria del Rosario (1877-1921), ito ay ang kanyang ikatlong asawa. Sila ay may limang anak: sina Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio “Jun” R. Aguinaldo Jr. Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-Linggo, at Miguel Aguinaldo. Si Hilaria ay namatay sa sakit na ketong noong Marso 6, 1921 sa edad na 44. Siyam na taon ang nakalipas, noong Hulyo 14, 1930, pinakasalan ni Aguinaldo si Maria Agoncillo sa Barasoain Church. Namatay si Maria Agoncillo noong Mayo 29, 1963, isang taon bago si Aguinaldo mismo ay namayapa rin noong Pebrero 6, 1964.
Basahin ang iba pang mga talambuhay:
- Manuel Roxas
- Francisco Balagtas
- Marcela Agoncillo
- Gabriella Silang
- Emilio Jacinto
- Josefa Llanes Escoda
- Apolinario Mabini
- Andres Bonifacio
- Jose Rizal
- Antonio Luna