Gaano nga ba kahalaga ang Edukasyon? Ano ang mabuting epekto nito sa ating buhay?
Napakahalagaha ng Edukasyon sapagkat ito ang kayamanan na hindi mananakaw ng iba kailanman sa isang tao. Ito ang nagsisilbing pundasyon sa ating tagumpay at kung ano man ang gusto nating marating sa buhay.
Likas na satin bilang isang indibidwal na makapagtapos ng pag aaral sapagkat ito’y makakatulong sa pag unlad hindi lamang para saating sarili pati na rin sa ikauunlad ng ating bansa. Sa pamamagitan ng edukasyon ay marami tayong pupuwedeng matuklasan o malaman na kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
Kapag ang isang tao ay nakapag aral ay mas madali nalang para sakanya na mag isip ng mga karagdagang solusyon sa kahit ano mang problema na kanyang kinakaharap. Sa kabilang banda, ang edukasyon rin ay ang nakakapagpahubog sa ating pagkatao dahil tinuturuan ang bawat estudyante ng magandang asal at itinuturo rin na mahalaga na palaging piliin kung ano ang tama.
Dahil dito, matututunan ng isang bata sa kanyang murang edad na gumawa ng mabuti sa kapwa at maging isang mabuting indibidwal hanggang sa kanyang paglaki.
Ang paggawa ng matalinong desisyon ay isa rin sa epekto ng edukasyon dahil sa pamamagitan nito ay mas nagiging kritikal at mausisa tayo sa pag iisip ng mga bagay bagay kaya’t magdudulot ito ng mas mabuting resulta para saatin.
Dahil din sa edukasyon ay mas mapapalago ang ekonomiya ng ating bansa dahil sa mga empleyado na magtatrabaho sa mga iba’t ibang kumpanya. Maraming oportunidad sa bawat indibidwal na makakuha ng magagandang trabaho kapag sila’y nakapagtapos ng pag-aaral.
Ang Edukasyon ay hindi isang pribilehiyo kundi ito ay isang karapatan bilang isang tao. Kahit ano man ang iyong estado sa buhay ay may karapatan ang bawat isa saatin na makapag aral upang maganda ang kinahahatnan ng ating kinabukasan. “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ika nga ni Gat Jose Rizal kaya’t habang ika’y bata pa ay magpursigi na makapag tapos ng pag-aaral upang sa magandang kinabukasan.
Ito lamang ang tanging paraan upang makahanap ang isang indibidwal ng magandang trabaho upang buhayin ang kanyang sarili at pamilya. Napakaraming benepsiyo ang makakamit kung ang isang tao ay nakapagtapos ng pag-aaral kaya napakahalaga nito sa bawat isa saatin.
Layunin nito na magkaroon ng kaalaman at impormasyon sa kasalukuyan, hinaharap at kinabukasan. Saating bansa ay kailangan parin pagtuunan ng pansin ang edukasyon dahil napakarami parin sa kabataan ang hindi nakakapag-aral dahil sa kakulangan sa mga eskwelahan lalo na sa mga malalayong lugar. Kailangan din nating magtulungan upang lahat ng kabataan ay makapagtapos ng pag-aaral patungo sa maliwanag na bukas.