– Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahalagahan ng layunin. Bakit nga ba ito mahalaga o importante? Tara na’t ating diskubrehin! Simulan na natin!
Bago natin talakayin ang kahalagahan nito, atin munang balikan ang kahulugan ng salitang layunin.
Ano nga ba ang Layunin?
– Ang Layunin ay nangangahulugan ng intensyon, adhikain o ang mga bagay na nais gawin o isakatuparan ng isang tao maaring pangsariling kapakanan o para sa ikabubuti ng karamihan.
Bakit nga ba ito mahalaga?
– Ang mga layunin ay mahalaga dahil ito ay nagiging gabay ng mga tao sa kanyang personal na hangarin sa buhay. Ito ang nagiging basehan ng mga tao sa pagkamit ng tagumpay. Kapag sinabi nating layunin, ito ay mayroong Misyon at Bisyon. Ito ang nagsisilbing pondasyon ng ating mga layunin. Sa madaling salita, ito ay ginagamit na gabay sa pagtuklas ng solusyon sa isang problemang kaugnay sa ating layunin. Ang layunin ay mayroong inaasahang resulta sa huli. Sa pamamagitan ng layunin kadalasang nakakasigurong mayroong tiyak na pagkamit ng tagumpay dahil alam ng isang tao o isang organisasyon ang dapat kahinatnan ng isang kilos o galaw sa huli. Ang pagiging responsable sa pagpili ng mga layunin o mithiin ay pangunahing mong konsiderasyon sa iyong pamumuhay.