Bakit nga ba mahalaga ang wika? Malalaman natin sa artikulong ito ang kahalagahan ng Wika sa tao, sa lipunan at sa komunidad.
Ang wika ay napakahalaga sa mga tao sapagkat ito ang ating ginagamit na midyum sa pakikipagtalastasan at ito rin ang paraan upang magkaintindihan ang bawat isa.
Mahalaga ito sa lipunan dahil sa paraang ito, maipapahayag natin ang ating mga sariling opinyon o idea sa mga bagay na makakatulong upang guminhawa ang ating komunidad.
Ito rin ay nagagawang pagbuklurin ang mga tao sa isang lipunan sa pamamagitan ng wika upang sila’y magkaunawaan.
Sa lipunang ating ginagalawan ay hindi madaling magpahayag ng sarili, kaya gabay natin ang wika upang malaman natin ang tamang paraang gagawin upang maibahagi ang nais iparating na walang nasasaktan ng sa gayon ay maintindihan tayo ng ating kapwa at maiwasan ang anumang gulo na maaring ugat ng di pagkakaintindihan.
Bilang magkaibaang tao ng pinanggalingan at may kanya kanyang opinion kailangan nila ng isang instrumento na tutulong upang malayang makapag pasahan ng mga salita at damdamin para makuha ang nais sabihn ng ating kapwa at ang nais din nating sabihn sa kanila. Sa madaling salita ang wika ay nagiging tulay ng pagkakaisa at pagkakaunawaan na magiging daan sa pagbubuklod ng mga tao tungo sa isang mapayapang lipunan.
Comments are closed.