– Sa paksang ito, ating pag aralan ang Karapatang Pantao. Dito natin matutuklasan kung ano nga ba ito at kung gaano ito kahalaga. Upang mas maintindihan natin ito, atin ding intindihin ito ng mas mabuti gamit ang mg ahalimbawa na nakalagay. Tara na’t palawakin natin ang ating mga kaisipan ukol dito. Simulan na natin!
Ano ang kahulugan ng Karapatang Pantao?
– Ang mga karapatang pantao ay mga pamantayang moral o kaugalian na naglalarawan ng mga tiyak na pamantayan ng paggawi ng tao at palaging protektado bilang mga karapatang likas at legal sa batas-munisipyo at batas-pandaigdigan. Karaniwang nauunawaan sila bilang mga di-matututulan at pangunahing karapatan “na nararapat matanggap ng isang tao dahil lamang sa pagiging tao niya” at “na likas sa lahat ng mga tao”, anuman ang kanilang edad, etnikong pinagmulan, lokasyon, wika, relihiyon, lahi, o anumang iba pang kalagayan. Angkop sila saanman at kailanman sa diwa ng pagiging pansansinukob,at sila ay pantay-pantay sa diwa ng pagiging kasingpantay ito sa lahat. Itinuturing ang mga ito bilang nangangailangan ng empatiya at pamamahala ng batas at nagpapataw ng obligasyon sa mga tao na respetuhin ang mga karapatang panto ng iba,at karaniwang itinuturing na hindi dapat bawiin ang mga ito maliban kung resulta ng nararapat na proseso batay sa mga tiyak na pangyayari; halimbawa, maaaring kabilang sa karapatang pantao ang pagiging malaya sa ilegal na pag-aresto, pagpapahirap, at pagbitay.
Bakit nga ba ito mahalaga?
– Ang mga ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng karapatang pantao saating lipunan:
- Upang mabuhay ang tao ng masaya at malaya
- Maiwasan ang diskriminasyon
- Upang maging malaya silang pumili ng relihiyon
- Upang maging malayang makapagpahayag at mag-isip.
- Upang mayroong patas na paglilitis at due process ng batas.
- Upang iligtas ang mga tao sa pang-aabuso, kalupitan at pang aalipin.
Mga halimbawa:
- Ang karapatan sa buhay
- Karapatan sa kalayaan at kalayaan
- Ang karapatan sa paghahangad ng kaligayahan
- Karapatang mamuhay nang walang diskriminasyon
- Karapatang lumaya sa pagkaalipin
- Karapatan sa kalayaan sa pagsasalita
- Ang karapatang malayang makihalubilo sa sinumang gusto mo at sumali sa mga grupo kung saan mo gustong maging bahagi.
- Karapatan sa kalayaan ng pag-iisip
- Karapatang magtrabaho.
- Karapatang magkaroon ng edukasyon.