– Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang Ekonomiks at kung ano ba ang kahalagahan nito saatin. Tara na’t ating palawakin ang ating kaisipan ukol sa paksang ito.
Ano nga ba ang Ekonomiks?
– Ito ay isang disiplina na nag-aaral at tumatalakay sa mga paksang may kaugnayan sa produksyon, distribusyon at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Ito ay pag-aaral din sa mga paraan kung paano ginagamit ng isang lipunan ang kanyang limitadong pinagkukunang yaman at kung paano ito magagamit sa produksyon para sa pangkasalukuyan at panghinaharap na pagkonsumo.
Kahalagahan ng Ekonomiks
- Mahalaga ang ekonomiks sa bansa dahil dito papasok ang pag aaral sa ating pondo kung paano ito umiikot sa ating bansa at kung paano rin ito nakaaapekto sa mga relasyon ng bansa sa ibang internasyunal na komunidad. Ito rin ang paraan upang malaman kung gaano na kayaman ang bansa o gaano kalugmok ito na kailangan na tugunan din ang mga utang.
- Dito rin ay malalaman mo ang kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa ating kamay nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya. Ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan ukol sa pang-araw araw na nagaganap sa buhay ng tao at kung paano naapektuhan ang pamumuhay ng tao sa mga pangyayari sa ating lipunan. Ang kaisipang pangkabuhayan , pampulitika at pangmoralidad ay ipinaliliwanag ng ekonomiks na makatutulong sa paglinang ng wastong asal, gawi at kilos ng tao sa lipunan.