Ating aalamin sa araw na ito kung ano ang Wikang Panturo. Tara na’t sabay sabay tayong matuto.
Ano ang Wikang Panturo?
Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan.
Sangkap sa Wikang Panturo
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang wikang panturo ay opisyal na (mga) wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng pormal na sistemang pang-edukasyon.
Ang mga sumusunod ay ang mga mahahalagang sangkap sa pagtuturo:
1. Pamahalaan /Opisyal – Mahalaga na ang wikang gagamitin sa pagtuturo ay mandato mula sa pamahalaan.
2. Sistemang pang-edukasyon – ang wikang panturo ay nakasentro lamang sa sistemang pang-edukasyon. May pagkakataon na iba ang ang wikang panturo sa wikang pambansa (kaso ng India at Canada).
3. Kaalaman at/o Pagkatuto–Dapat ito ay naglalayung pagpapalalim at pagpapalawak ng pagkakaroon ng kakayahan ng mga mag-aaral na matutuhan ang mahahalagang asignatura.
Wikang ginagamit sa pagtuturo sa Pilipinas
Ang Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTBMLE ay naglalayong gamitin ang unang wika ng mag-aaral sa pag-aaral sa lahat ng asignatura mula Grade 1 hanggang Grade 3, maliban sa Filipino at English. Sa kasalukuyan, mayroong 19 na wika ang tinuturing na mother tongue:
- 1. Ilocano
- 2. Pangasinense
- 3. Kapampangan
- 4. Tagalog
- 5. Bikol
- 6. Hiligaynon
- 7. Cebuano
- 8. Waray
- 9. Tsabakano
- 10. Tausog
- 11. Meranao
- 12. Maguindanaoan
- 13. Yvatan
- 14. Yvanag
- 15. Sambal
- 16. Akeanon
- 17. Kiniray-a
- 18. Yakan
- 19. Surigaonon
Ang itinatag na pambansang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay monolingguwal. Ang ibig sabihin, may iisang wikang panturo —ang wikang Ingles. Nagsimulang ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahong Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro ng Wikang Pambansa. Bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo ng Wikang Pambansa. Sa isang sirkular noong 3 Mayo 1940, iniatas ni Direktor Celedonio Salvador ng Kawanihan ng Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa Ikaapat na Taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikang Pambansa bílang wikang panturo.
Sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal, ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya ay hinati upang ang isang pangkat ay ituro sa Pilipino at ang isang pangkat ay ituro sa Ingles. Bukod sa asignaturang wika at panitikang Filipino, ang mga klase sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng Pilipino bilang wikang panturo. Bukod naman sa asignaturang wika at panitikan sa Ingles, ang mga klase sa Matematika at Agham ay Ingles ang wikang panturo.
[Mahalagang pansinin ang pagtukoy sa Wikang Pambansa bilang “Pilipino” mulang 1959 hanggang sa panahon ng pag-iral ng 1973 Konstitusyon. Bagaman binanggit na sa 1973 Konstitusyon ang pagbuo sa wikang “Filipino,” patuloy na kinilála hanggang 1987 ang pag-iral ng “Pilipino” bílang wikang opisyal at Wikang Pambansa.]
Ang patakarang bilingguwal ay isang pagtupad sa mga Seksiyon 2–3, Artikulo XV ng 1973 Konstitusyon hinggil sa Pilipino at Ingles bílang mga opisyal na wika ng komunikasyon at instruksiyon. Ang pangyayaring ito ay ipinagpatuloy sa Seksiyon 6, Artikulo XIV ng 1987 Konstitusyon.
Gayunman, nakasaad din sa ikalawang talata ng Seksiyon 6, Artikulo XIV ng kasalukuyang saligang-batas na: “Subject to the provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the educational system.”
Itinaguyod ng Pangulong Corazon C. Aquino ang diwa ng probisyong ito ng 1987 Konstitusyon sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag-aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/ Instruemntaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.”
Sa ilalim ng programang MTB-MLE, naging dagdag na wikang panturo sa antas na K-3 ang ibang mga wikang katutubo (19 sa kasalukuyan, kasáma ang Tagalog).
Taong 1937 nang inirekomenda ng Institute of National Language na gawing batayan para sa wikang pambansa ang Tagalog, alinsunod sa nakasaad na kinakailangang magkaroon ng wikang pambansa sa 1935 Philippine Constitution.
Sinundan ito ang paglalabas ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ng Executive Order No. 263 noong Abril 12, 1940 na naguutos na isama sa kurikulum ng lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ang pagtuturo ng wikang pambansa. Alinsunod nito, naglabas naman ang Secretary of Public Instruction ng Bureau of Education Circular No. 26, s. 1940 na ang pagtuturo ng wikang pambansa ay ipapatupad sa fourth year ng high school at second year sa mga pampubliko at pribadong teacher-training institutions.
Sa pagdating ng mga mananakop na Hapon, ginawang Tagalog ang medium of instruction at pagdating ng 1943 ay itinakda ng Executive Order No. 10 ni dating Pangulong Laurel ang pagtuturo ng pambansang wika maski sa elementarya.
Nagbago ang ganitong patakaran nang bumalik ang mga Amerikano at ginawang pangunahing medium of instruction ang Ingles at ginawa na lamang asignatura ang Tagalog. Nanatili ang ganitong sistema kahit pa nagkaroon ng mga bagong patakaran sa wika ang mga sumunod na kagawaran sa edukasyon sa paglipas ng panahon.
Ang kolonyal na edukasyon na ito ang dahilan na tinukoy ni national artist Bienvenido Lumbera kung bakit pilit na tinatanggal ang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo.
“Kaya’t ang mga nasa otoridad na nasa sistema ng edukasyon na gumagawa ng patakaran ay pawang mga produkto ng isang kolonyal na edukasyon. Ingles ang kanilang wika nang sila ay mag-aral, at hindi kataka taka na ang edukasyon sa Pilipinas na pinamamahalaan ng ating mga otoridad ay laging humahanay sa mga taga-kanluran ang sistema ng edukasyon na gusto nating pantayan,” saad ni Lumbera.
Tinukoy din ni Lumbera na ang programang K to 12 ay sumusunod lamang sa “isang globalized system of thinking” na hindi sapat ang edukasyon sa Pilipinas dahil sa kulang ito ng dalawang taon. Aniya, hindi na kailangang kumbinsihin pa ang mga otoridad na kailangang pantayan ang sistema ng edukasyon ng mga dayuhan dahil sila mismo ay produkto ng sistemang kolonyal.
Naniniwala si San Juan na mas angkop na pag-aralan ang mga pambansang isyu sa sariling wika. apag tinanggal ang Filipino, mawawalan ng pagkakataon na pagusapan ang mga nasabing isyu at magiging socially conservative ang mga mag-aaral pag dating ng panahon.
Para naman kay Marvin Lai, tagapangulo ng Department of Filipinology sa Polytechnic University of the Philippines, ang pagtatanggal sa Filipino bilang asignatura sa kolehiyo ay katulad ng pagtatanggal sa identidad ng mamamayang Pilipino.
“Naniniwala ang mga guro sa Filipino, na ang wikang Filipino ay wika ng mga intelektwal. Kapag hindi naipapahayag ng mga kolehiyo o ng propesyunal na nililikha ng unibersidad, hindi nila makikita na ang wikang Filipino ang magiging instrumento ng kanilang pagkatao,” sabi ni Lai.
Isa sa mga nagtalakay sa pagtitipon ay si Dr. Bienvenido Lumbera, ang Pambansang Alagad ng Sining Sa Panitikan, kung saan kanyang tinalakay ang hamon sa mga guro at mag-aaral na pagtibayin ang wikang Filipino sa panahon ng “dambuhalang konsepto” na tinatawag na globalisasyon.
Dito ipinaliwanag ni Lumbera na ang globalisasyon at epekto ng “borderless world” na nagsasabing pantay ang kakayahan ng bawat bansang kamtan ang kaunlaran ngunit magdudulot lamang ito ng “pananalakay ng mga kapitalismong bansa” kung saan pagsasamantalahan ang lakas at talino ng mga manggagawa ng mga mahihinang bansa gaya ng Pilipinas.
Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag iisip sa Filipino
Saklaw ng mga kasanayan sa pakikinig ang masusing pagkilatis at mabisang pang-unawa.
Sa pagsasalita naman , nahahasa ang wastong pagbigkas, paggamit ng mga pahayag at istrukturang panggramatiko.
Sa kasanayan sa pagbasa nalilinang ang husay sa pagpapalawak ng talasalitaan, pagkilala sa mga salita, pag unawa at kasanayan sa pagaaral at pananaliksik.
At sa pagsulat napapaganda ang sulat-kamay, naiaangat ang kasiglahan sa antas ng pagkatha at kasiyasiyang kaayusang pansulatin.
(Elementarya)
Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (pagsalita at pagsulat); nag papamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba·t ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa kapakipakinabang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Pagkatapos ng unang baitang, inaasahanng nabibigkas at nakakabasa ang mga mag aaral ng mga alpabeto at mga simpleng salita nang may wastong tunog; nakagagamit ng mgagalang na pagbati sa pang-araw-araw na pagusap; naisusulat ang sariling pangalan at nakakasulat ng payak na pangungusap.
Pagkatapos ng ikalawang baitang, nakapagsasabi ang mga mag-aaral ng pangunahing diwa ng napakinggan; nakapaglalarawan ng mga tao, bagay , pook; nakakabasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at nakasulat ng kabit-kabit na mga titik na gumagamit ng wastong bantas.
Pagkatapos ng ikatlong baitang, nakapagsasalaysay ang mag-aaral ng buod ng npakinggan/nabasa; naibibigay ang sariling palagay tungkol sa isyung pinaguusapan; nakababasa at naipapaliwanag ang kahulugan ng mga salita; natutukoy ang pag kakaiba ng opinion at katotohanan; nakababasa ng mga pag-unawa at naisusulat ang mga idiniktang iba·t ibang anyo ng teksto.
Pagkatapos ng ika apat na baitang, nakapag papahayag ang mag aaral ng sariling ideya at kaisipan tungkol sa mga narinig; nakapag bibigay rin ng matalinghagang salita at mga ekspresyong tuwiran at di tuwiran; natutukoy ang mga pangyayaring nag uugnay sa sanhi at bunga ng mga pangyayari at napag susunod-sunod ang mga ideya at sitwasyon; nakikilala ang iba·t ibang bahagi ng babasahin at nakasusulat na ng maikling komposisyon.
Pagkatapos ng ika limang baitan, nakapagbubuod ang mag-aaral ng nabasa at napakinggan; nakabubuo ng iba·t ibang pangungusap; nakakagamit ng iba·t ibang sanggunian sa paghahanap ng impormasyon at nakasusulat na ng iba·t ibang pahayag at sulatin na may 15-20 pangungusap.
Pagkatapos ng ikaanim na baitang, nakapag-aayos ang mag aaral ng napakinggang teksto at nalilipat ang impormasyon tungo sa iba pang anyo ng pagpapahayag; nagagamit ang iba·t ibang pangungusap sa pagpapaliwanag, nakapagbibigay solusyon sa mga suliranin batay sa karanasan at mga natutuhang kaalaman sa ano mang sitwasyon at nakasusulat na ng ilang uri ng salaysay o dayalogo sa tulong ng mga ideya/tala na binuo ng klase.
Sekondari
Itinuturo ito bilang sabjek pang wika. Upang magamit ang wikang ito bilang pangklasrum sa iba pang sabjek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo.
Bilang isang larangan ng pagkatuto sa level sekondari, ang pangunahing mithiin ng Filipino ay makadevelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino. Upang masabing komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya ang mga pangangailangang kasanayang makro ² ang pagbasa, pag sasalita at pakikinig.Bilang isang sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan, nararapat na may kbatiran at kasanayan siya sa apat na component ng kasanayang komunikatibo tulad ng diskorsal, gramatikal, sosyolingwistik, at istratejik.
Bilang isang larangan ng pagkatuto at pantulong na sabjek sa level ng sekondari, makilala ang Filipino bilang FILIPINO SA ISKOLARLING PAKIKIPAGTALASTASAN.
Ang bibigyan ng focus ay ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na istrukturang gramatikalng Filipino bilang isang wika kasabay sa pagtatamo ng wastong kasanayan sa maunawang pagbasa.
Ang focus ay ay ang pagtatamo ng mapanuring pag iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa at pag unawa sa iba·t ibang genre ng panitikang (lokal at rehyunal, nasyunal at Asyano) nakasalin sa Filipino.
Mananatili ang pag bibigay ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pagsulat na komunikasyon sa pamamagitan ng exposyur sa iba·t ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat.Ito ay pagtutuunan ng isang linggong sesyon sa bawat markahan.
Sa pag tatapos ng unang taon, ang isang mag-aaral ay nararapat na nag tataglay na ng sapat na kasanayan at kaalamang magamit ng wasto ang mga angkop na istrukturang gramatikal sa isang iskolarling pakikipagtalastasan sa tulong ng mapanuring pagbasa sa iba·t ibang uri ng texto.
Sa pagtatapos ng ikalawang taon, ang isang mag-aaral ay dapat na nagtataglay ng kognitivong kasanayan at kahusayan sa maunawang pagbasa ng iba·t ibang texto at nagagamit nang wasto ang angkop na strukturang gramatikal sa isang akademikong pakikipagtalastasan.
Pagkatapos ng ikatlong taon, ang isang magaaral ay dapat na nag tataglay na ng kahusayan, kaalaman at angkop na kamalayan sa pagsasagawa ng kritikal pagpapasya upang mabigyang ² halaga ang ating pambansang panitikan batay sa umiiral at tiyak na pamantayan, istandard at teoryang pampanitikan.
Pagkatapos ng ikaapat na taon, ang gradweyt ay nagtataglay ng kahusayan, kaalaman, at angkop na kamalayan sa pagsasagawa ng mapanuring paghuhusga sa kagandahan at sining ng panitikan batay na rin sa mga tanggap na pamantayan , istandard at teorya ng pamumuna. (sa tulong ng mga akdang rehyunal at Asyanong nakasalin sa Filipino).