Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig

– Sa paksang ito, ating malalaman kung ano nga ba ang kasunduan na binuo noong nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig. Tara na’t sabay sabay nating alamin!

ANO ANG KASUNDUANG NAGWAKAS SA UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG?

– Ang kasunduang nagwakas sa unang digmaang pandaigdig ay ang Kasunduan ng Versailles o Traité de Versailles sa wikang Pranses. Ito ay Nilagdaan noong Hunyo 28, 1919 sa Versailles, eksaktong limang taon pagkatapos ng pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand na directang humantong sa World War I. Ilan sa mga kilalang tanyag na personalidad na kabilang sa nasabing paglagda sa kasunduan ay sina David Lloyd George na Punong Ministro ng bansang United Kingdom, Georges Clemenceau na punong ministro ng France, at Woodrow Wilson na pangulo naman ng Estados Unidos.