Ang kolonyalismo ay isang mahalagang paksa sa kasaysayan at lipunan ng maraming bansa sa mundo. Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop.
Ang kolonyalismo ay madalas na naihahalintulad sa imperyalismo, na ang layunin ay ang pagpapalawak ng impluwensiya at kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng diplomasya, militar, o kultura.
Epekto ng Kolonyalismo
Ang kolonyalismo ay may malaking epekto sa mga bansang nasakop at sa mga bansang nagsakop. Ang mga bansang nasakop ay nakaranas ng pagkawala ng kanilang kalayaan, karapatan, kultura, at yaman.
Ang mga bansang nagsakop naman ay nakinabang sa mga likas na yaman, lakas-paggawa, at pamilihan ng mga kolonya. Ang kolonyalismo ay naging sanhi din ng maraming mga digmaan, rebelyon, at himagsikan sa pagitan ng mga kolonya at ng mga metropoli (o inang bansa).
Ano ang kolonyalismo?
Sa madaling salita, ito ay ang pagsakop ng isang mas makapangyarihang bansa sa isang bansa na mas mahina, na inaabuso ito sa ekonomikal na paraan.
Sa nagdaang mga panahon, ang Pilipinas ay naging biktima ng kolonyalismo at imperyalismo, sa kamay ng mga bansang Espanya at Estados Unidos.
Kolonyalismo sa kamay ng mga Espanyol
Ang mga isla ng Pilipinas ay unang napansin ng mga Europeo sa pamamagitan ng mga ekspidisyong kastila
sa buong mundo na pinangunahan ng Potuges na manlalayag na si Ferdinand Magellan noong taong 1521.
Si Magellan ay unang dumaong sa Cebu, na sinasabing lupain na pag-aari ng Espanya. Ito ay pinangalanan niyang Islas de San Lazaro. Si Magellan ay nagkaroon ng pakikipagkaibigan sa lokal na mga lider sa Cebu, na ang iba ay nagpabinyag bilang mga Romano Katoliko. Subalit, si Magellan ay napatay ng mga katutubo, na pinangunahan ni Lapu-lapu, na lumaban sa tangkang pananakop ng mga banyaga.
Sa paglipas ng ilang mga dekada, may iba pang mga ekspidisyong isinagawa ang mga Kastila papunta sa mga isla ng Pilipinas. Noong taong 1543, ang manlalayag na si Ruy López de Villalobos ay nanguna sa isang ekspidisyon na nagpangalan sa mga isla ng Samar at Leyte na Las Islas Filipinas, na kinuha sa pangalan ni
Philip II ng Espanya. Ang pangalang iyan ay ibinigay din sa buong arkepelago pag daan ng panahon.
Ang pananakop ng mga Kastila
Ang pananakop ng mga kastila sa mga Pilipino ay hindi pa nagsisimula bago ang taong 1565, nang ang isa pang ekspidisyon galing sa bagong Espanya ay dumating sa Pilipinas. Ito ay pinangungunahan Miguel López
de Legaspi.
Siya ang kauna-unahang gobernador heneral ng Pilipinas. Ang pamahalaang Kastila ay madaling naitatag sa maliliit na mga kumunidad na dating walang sentralisadong pamahalaan.
Sa loob lamang ng anim na taon pagkatapos na matalo ang mga lider na muslim, itinatag ni Legazpi ang kabisera ng pamahalaang Kastila sa Maynila dahil sa ito ay may malaking populasyon at malapit sa mga mapagkukunan ng bigas na nasa mga palayan ng Central Luzon. A
ng Maynila ang naging sentro ng aktibidad ng mga kastila tulad ng sibil, militar at relihiyosong mga okasyon. Noong 1571, naitayo na ni Lopez de Legaspi ang Spanish city of Manila sa lugar na dating okupado ng mga Moro na kanyang nasakop isang taon bago ang 1571.
Ang Pilipinas ay pinamamahalaan na sakop ng probinsya ng New Spain o Mexico hanggang sa ideklara ang kalayaan ng Mexico noong 1821.
Ang mga mamamayan ng Maynila ay lumaban sap ag-atake ng Tsinong pirata na si Limahong noong 1574. Sa loob ng maraming siglo bago pa man dumating ang mga kastila, ang mga Tsino ay matagal nang nakikipagkalakalan sa mga Pilipino, subalit lumilitaw na hindi sila nanirahan ng permanente sa bansa hanggang sa matapos ang Kastilang kolonyalismo.
Ang kalakal at lakas ng mga Intsik ay mahalaga sap ag-unlad ng kolonyang Kastila dito sa bansa, subalit ang mga Intsik ay kinaiinisan at kinatatakutan dahil sa kanilang mabilis na pagdami.
Kaya noong 1603, pinatay ng mga Kastila ang libu-libung Intsik. Pagkatapos ng patayang iyon, kakaunting Intsik na lamang ang pinapatay ng mga Kastila.
Ang Kastilang gobernador, na sa huli ay tinawag na viceroy noong 1589, ay siyang taga pamahala sa konsilyo ng makapangyarihang audiencia. Nagkaroon ng manaka-nakang paghimagsik ang mga Pilipino na ayaw sa sistemang encomienda.
Sa pagtatapos ng ika labing anim na siglo, ang Maynila ay naging ang pangunahing sentro ng komersyo sa buong Silangang Asya. Ang Pilipinas ay nagbigay ng kayaman sa Espanya. Ginto at kalakalang Galyon na dumadaan sa PIlipinas at nakakarating sa China, India at East Indies.
Ang kolonyalismo na ginawa ng mga Kastila ay hindi masyadong madugo noong una, sapagkat ang mga
lugar na kanilang sinasakop ay hindi gaanong nanlaban maliban lamang sa mga Moro. Isa sa pinaka mahirap na problemang dinanas ng mga kastila ay ang kanilang pagsakop sa Mindanao na pugad ng mga Moro.
Bilang ganti sa pag-atake sa kanila ng mga Kastila at mga katutubong kakampi nito, sinalakay nila ang ilang lugar sa Luzon at Visayas na hawak ng mga Kastila. Ang mga Kastila naman ay nagsagawa ng maigting na kampanya laban sa mga Muslim, subalit ito ay halos walang epekto hanggang sa ika 19 siglo.