– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang Konsepto ng Pagkamamamayan. Ano nga ba ito? Sabay sabay nating alamin! Tara simulan na natin!
KONSEPTO NG PAGKAMAMAMAYAN
Ano nga ba ito?
– Ang konsepto ng pagkamamamayan o citizenship ay tumutukoy sa isang katayuan o kalagayan ng isang tao bilang isang miyembro ng isang pamayanan o estado na maaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
Halimbawa:
Sa Pilipinas, maaaring maging mamamayan ng bansa ang isang indibidwal na mayroong ama o ina na tunay na Pilipino, ang indibidwal ay piniling maging mamamayan ng bansa matapos ng lima o higit pang taong paninirahan sa bansa, at ang naturalisasyon.